Kabanata 9

2.5K 109 11
                                    

Nanatiling nakapako ang tingin namin ni Inigo sa isa't-isa. Gusto ko man na umiwas ng tingin ay hindi ko magawa dahil masyadong nakakalunod ang mga titig niya. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa tinuran niya. Nagwawala pa rin ang puso ko dahil sa salitang binitawan niya.

Ilang segundo pa ay napalitan muli ng masayang tugtugin, dahilan upang mapahiwalay kami sa isa't-isa. Mabilis kong tinalikuran si Inigo pagkatapos non. Ngunit bago ko pa tuluyang maipihit ang katawan palayo ay naramdaman ko ang kamay ni Inigo na humawak saakin.

"Binibini sandali lamang," I pressed my lips together. I counted one to three before turning my head once again to look at him. Kailan ba matatapos ang gabing 'to?

"Salamat sa pagsayaw mo saakin, ngunit kailangan ko nang puntahan ang Señora," hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob upang magsalita sa kabila ng malakas na tibok ng puso ko.

Inigo's jaw clenched and then he inhaled sharply, "Tungkol sa aking sinabi. Patawarin mo sana ako sa aking kapangahasan."

I bit my lower lip. I thought I am going to die! Parang sasabog ang puso ko tuwing naaalala ko ang sinabi niya at kung paano niya ako tingnan. I heaved a deep breathe, handa nang sagutin ang sinabi niya ngunit naunahan na ako nito.

"Ngunit hindi ko babawiin ang aking mga salita, Eloise," ramdam ko ang pagwawala ng buong sistema ko dahil sa narinig. Ano ang ibig niyang sabihin? I looked at Inigo. Hindi ko alam kung bakit tila naghihintay pa ako sa susunod niyang sasabihin.

"Eloise—" he was interrupted when applauses suddenly groaned from the crowd and the music turned into a welcoming one. Bigla ding umingay ang buong paligid na tila nasasabik ang lahat ng mga tao. Nagsalubong ang mga kilay ko. Anong meron? Halos sabay ang naging paglingon namin ni Inigo sa bagong dating.

"Ang gobernadorcillo!" nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa narinig. Nahati ang mga tao at nag-iwan ng malaking espasyo sa gitna ng plaza.

At doon ko nasilayan ang pamilyar na mukha ni Juan Guillermo Ibarra. He is standing proudly in front of everyone. Umaapaw ang kapangyarihan at awtoridad dito. Suot niya ang isang terno ng itim na amerikana. Bakas na bakas ang pagiging Kastila nito, with his hard features. Malamig rin kung tumingin ang kanyang mga mata.

He looked merciless.

"Magandang gabi sainyong lahat..." even his voice sends shivers down to my spine. I can't believe that I am seeing him now. Alive and kicking!

Mabilis kong nilingon si Inigo upang tingnan ang naging reaksyon nito. Kinabahan ako nang makita ang galit sa mga mata nito. He shifted his eyes on me, marahil ay napansin nito na nakatingin ako sakanya.

Nginitian ko siya, "Nais mo ba na umalis?" tanong ko dahil ramdam ko na hindi siya natutuwa. Kinakabahan ako dahil baka bigla niyang masapak si Ibarra dahil sa hitsura niya.

Umigting ang panga niya at sumulyap muli kay Ibarra na ngayon ay nag-iiwan ng speech sa mga tao. When he looked back at me, his eyes turned soft and then he nodded.

"Ipagpapaalam muna kita sa Señora," bumalik na naman ito sa pagiging seryoso niya. I understand and it's much better dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung patuloy lang siya sa pagiging pilyo niya. Baka mapaamin ako ng wala sa oras.

"Huwag na," tanggi ko. "Hindi ako papayagan no'n," ramdam ko kasi na may mali sa Señora mula nang makita niyang suot-suot ko ang kwintas ni Maria. Mukhang umiiwas ito. I'd still have to figure that out later.

San CarlosDove le storie prendono vita. Scoprilo ora