Kabanata 12

1.5K 84 35
                                    

"Oh mahabaging langit!" bulalas ni Mang Isko nang pagbuksan kami nito ng pintuan. Nakatingin ito sa dalagang sugatan at walang malay, kinukurap-kurap pa ang mga mata at tila kagigising lamang nito sa isang komportableng tulog.

"Paumanhin sa aming biglaang pagdalaw sa kalagitnaan ng gabi, Mang Isko, ngunit maari ba kaming tumuloy sainyong tahanan ngayong gabi?" it was Inigo who spoke. Lumipat saamin ang tingin ni Mang Isko. Nahihiya ko itong nginitian nang lumapat saakin ang mga mata niya.

"Walang problema, hijo! Tumuloy kayo," mabilis kaming sumunod sakanya. Mang Isko opened the door wider for us. Once all of us are inside, he quickly closed the door behind him and gave us a questioning look.

"Ano ba ang nangyari sainyo mga bata kayo! Bakit sugatan ang binibini at ang Ginoo..." yumuko si Mang Isko nang lingunin nito si Primitivo. The latter just smiled as a response.

"Natagpuan po namin sila sa kabilang dako ng baybay. Mukhang may nagtangka sa buhay ng binibini at tinulungan siya ni Ginoong Primitivo," paliwanag ko. Napasinghap ang matanda at mabilis na umiling. Iginiya nito ang sugatan naming kasama sa mga upuan na nasa maliit na sala.

"Maupo muna kayo," saad niya. "At Inigo, dalhin ang binibini sa loob ng silid at kukuha lamang ako ng gamot at maiinom," paalam nito saamin.

Tumayo rin ako upang sundan si Mang Isko, "Tutulong po ako," tinapunan ako ng tingin ni Inigo. Nginitian ko siya.

"Dalhin mo na ang binibini sa silid," ulit ko sa utos ni Mang Isko. Ibinaling ko ang tingin sa kasama niya at tinanguan ito. As much as I wanted not to left the two of them alone, kailangan kong tulungan si Mang Isko. Hindi naman siguro sila magpapatayan, hindi ba?

Nang datnan ko si Mang Isko ay nagpapainit ito ng tubig. Nakita ko din ito na naglagay ng dahon sa pinapakulong tubig. Marahil ay dahon ito ng bayabas, since herbal pa lang naman talaga ang ginagamit nilang pang-lunas sa mga sugat noon.

"Ano ang iyong ginagawa rito, hija? Mabuti pa at bumalik ka na lamang sa loob at magpahinga," inilingan ko kaagad si Mang Isko sa utos niya. Lumapit ako dito at kumuha ng mga baso at nagsimulang magtimpla ng maiinom para sa mga kasama ko.

"Salamat, hija," wika niya.

I smiled, "Walang anuman, Mang Isko."

"Naalala ko saiyo ang aking anak," he suddenly says, saddened. "Madalas ko siyang kagalitan dahil na rin sa katigasan ng kanyang ulo. Para sa isang babae ay mapilit ang batang iyon at hindi basta-basta sumusuko. Ang bilin ko rito ay mas importante ang kaligtasan niya sa lahat ng bagay, ngunit alam mo ba kung ano ang kanyang isinagot saakin?"

"Ano po?" I inquired.

"Kung magiging isa raw siya sa mga taong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa lipunan na tanging iniisip ay kaligtasan, sino na lamang ang maglalakas-loob na ipaglaban ang tama?" Mang Isko smiled upon the memory, maging ako man ay hindi ko napigilan ang pag-ngiti. Nakakamangha lamang na hangga't kaya nitong ipaglaban ang kanyang katuwiran ay gagawin niya.

Tinulungan ko si Mang Isko na dalhin ang mainit na tasa ng kape sa salas. Tanging si Primitivo lamang ang nandoon. Mukhang dinala nga ni Inigo sa kwarto iyong sugatang dalaga kanina. Isang tipid na tango ang ibinigay ko kay Primitivo pagkatapos kong ipatong ang tasa sa maliit na mesa sakanyang harapan.

"Binibini," paalis na ako nang tawagin niya ako. I looked over my shoulder and I saw him heaving a deep breathe.

"Ano iyon, Ginoo?" I asked.

"Maraming salamat," wika niya. Natigilan ako, ngunit sa huli ay tinanguan ko siya.

"Walang anuman. Kukunin ko muna ang herbal upang magamot na ang iyong mga sugat," yumuko ako at mabilis na linisan ang lugar.

San CarlosWhere stories live. Discover now