Kabanata 11

1.6K 83 11
                                    

"Oh, bakit tila nasurpresa kayo? Akin bang naistorbo ang interesante at masaya ninyong kwentuhan?" Señora asks, gracefully walking in the balcony to join us. May ngiti sa labi nito. I don't know if it's just the guilty me or her smile is different today.

Hindi ko maiwasan ang kabahan sa pag-iisip na baka mamaya ay narinig niya ang naging usapan namin. Andeng and Oryang bowed their heads when the Señora stopped in front of us. Ramdam ko ang kaba ni Oryang dahil nanginginig ang pinagsiklop nitong mga kamay. I managed to let out a timid smile, sa kabila ng kaba at takot sa sistema ko.

"Hindi naman po, Señora," pilit kong pinasigla ang boses. "Kamusta po ang lakad ninyo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Mabuti naman, hija," lumipat ang tingin niya sa dalawa kong kasama, bago muling ibalik saakin ang tingin.

"Maghanda ka, hija. May bisita tayong dumating," itinupi niya ang abanico na pinapaypay sakanyang sarili at nilingon muli ang dalawa kong kasama. "Oryang, samahan mo ang iyong Señorita sa paghahanda. Andeng, bumalik ka na sa kusina at tulungan mo sina Manang Esme sa paghahanda."

"Masusunod po, Señora!" agaran na sagot ng dalawa. Tumuloy na si Andeng patungo sa baba nang hindi man lang kami tinatapunan ng tingin. She is that eager to escape the suspicious eyes of Señora Felicidad.

"Sino po ang dumating na bisita?" hindi ko napigilan ang sarili sa pagtatanong. A smile crept onto Señora's lips.

"Ang ating kura paroko. Si Padre Gonzalo," kalmadong saad niya. Napatango ako sa narinig. Iyong padre na hindi marunong magsalita ng Tagalog tuwing nagmimisa.

"Huwag na sanang maulit muli ang nangyari sa plaza. Kung maari ay itikom mo na lamang ang iyong bibig at huwag magsalita kung hindi kailangan. Hindi ko nais na mapahiya sa harapan ni Padre Gonzalo," itinago ko ang ngiwi na lumabas saaking mga labi at tinanguan ang Señora.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan namin ni Oryang nang tuluyang lumisan ang Señora. We both looked at each other and shook our heads. We hope not. Sana lang talaga ay wala itong narinig sa anumang pinag-usapan namin.

Tulad ng bilin ng Señora ay tinulungan ako ni Oryang sa pag-aayos. Señora told me to dress properly, kaya naman pinili ko ang pinaka-magandang baro't-saya na nakita ko sa aparador. I will take this one as another chance to prove myself to the Señora. I promise myself not to mess this luncheon up. Kailangan kong maipakita muli sakanya na maari niya akong pagkatiwalaan.

"Ganitong-ganito rin ang nangyari noon," Oryang blurted out as she ties my hair into a neat bun. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at tiningnan ang repleksyon niya sa salamin.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Naiwan sa ere ang kamay nitong may hawak na suklay at tiningnan ako pabalik. Oryang sighed, "Mag-iingat ka Señorita. Masama ang kutob ko sa maaring mangyari mamaya."

Tuluyan na akong kinabahan dahil sa sinabi niya, "Ano ba ang maaring mangyari mamaya? Ano ang nangyari noon?" tanong ko. Hindi na ba matatapos ang mga rebelasyon sa araw na ito? I thought nothing could confused and surprised me more, but seeing it now, it seems like there are still a lot that I needed to discover.

Ngunit bago pa masagot ni Oryang ang tanong ko ay bumukas na ang pintuan. Iniluwa nito si Señora Felicidad na mukhang naghihintay na saakin. Nginitian namin ni Oryang ang isa't-isa at sumama na ako sa Señora upang makababa na. Ang mga sinabi ni Oryang ay gumugulo pa rin saaking isipan. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

I was pulled out of my thoughts when I saw the familiar Padre Gonzalo looking grim just like the last time that I saw him. Inangat ng padre ang tingin saamin at nagtama ang mata naming dalawa. In that moment, I felt shivers went down my spine. Tila kutsilyo ang mga mata nito sa talim kung tumingin. Hindi ko maiwasan ang matakot dahil doon.

San CarlosTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang