Kabanata 1

5K 210 79
                                    

Ang nakakasilaw na liwanag mula sa araw ang bumungad saakin pagbukas ko ng aking mga mata. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng ulo. Tila hinahati ito sa dalawa sa sobrang sakit. What the hell happened?

Last thing I can remember is the stranger's embrace and we were swallowed by a blinding light, then everything turned into pitch black.

Inilibot ko ang aking mata sa paligid at nandito pa rin ako sa eskinita, kung saan ko kinompronta ang estranghero. Wala na ang lalaki, gayon rin ang baril na hawak-hawak ko kagabi.

I quickly checked myself and my clothes because of that. I sighed in relief. Thank God, I wasn't raped.

"Kailangan ko nang umuwi," bulong ko sa sarili. Sigurado ako na nag-aalala na sina mama saakin.

Tumayo na ako upang lisanin ang lugar nang may maramdaman akong malamig na metal sa aking leeg. My eyes widened in surprise. Iyong kwintas na pagmamay-ari ng lalaki!

Noon ko lang din napansin na wala na ang nakasabit na camera sa leeg ko. Kinabahan agad ako nang maisip na baka ninakawan ako nung lalaki. I checked for my pockets and found out that my phone is missing too!

"That psychotic thief!" hindi ko napigilan at napatili na lamang ako sa inis. He could take any of my things but not my camera! Ginagalit talaga ako ng lalaking 'yon.

Mabilis at padabog akong nagmartsa papalayo sa lugar. I made sure first that the coast is clear before I kept on moving. Mahirap na, baka bumalik pa ang magnanakaw na 'yon.

Humugot ako ng malalim na hininga. I just have to go to the nearest pay phone and call the house to assure my family that I'm fine, pagkatapos ay tatawag na ako ng pulis para mahuli na ang magnanakaw.

"Ito yun," kausap ko sa sarili habang tinatahak ang daan pabalik sa plaza. As far as I can remember, I took this way last night when I decided to chase that psychotic thief.

Sa plaza nakatayo ang dalawang pay phone station. I just have to get there. I'm not certain if the pay phone are still there or if it is already safe to go to the plaza because of the explosion last night, but I'm willing to risk it. Nagugutom na rin ako at tirik na tirik na ang araw sa San Carlos.

Lumipas ang ilang minuto ng paglalakad at natanaw ko na ang plaza. I can feel how my face brightened at the sight. Finally! Makakauwi na rin ako.

Pagtapak ng aking mga paa sa plaza ay hindi ko napigilan ang sarili at napasinghap ako sa nakita.

Nagkalat ang mga taong nakasuot ng baro't saya, barong Tagalog at camisa de chino. On the far side are armed men who looks like guardia civils. Mayroon pang iilan na nakasakay sa calesa at magarbong carruaje. The plaza is very alive and full of colors.

There are no pay phone station or fairy lights hanging by the lamp posts. There are no traces of the bomb explosion from last night. Lastly, there is no statue of Juan Guillermo Ibarra!

"Ang binibini, masasagasaan!" people started to scream. I looked to my side and saw a grand carruaje going fast towards my direction.

Imposible. Hindi ito totoo. There is no way on Earth, I just time travelled!

Tingin ko ay ito na ang parte ng panaginip kung saan kailangan ko nang mamatay para tuluyang magising at bumalik sa katotohanan.

Hinintay ko ang pagtama ng carruaje sa katawan ko. Napangiwi ako sa sakit at bumagsak sa lupa. Tili ng mga tao ang huli kong narinig bago tuluyang nilamon ng kadiliman ang diwa ko.

"Holy shit!" napabalikwas kaagad ako mula sa higaan. Ramdam ko ang mga butil ng pawis na namuo sa aking noo.

Pinikit ko ang mga mata at sinapo ang aking dibdib, binabalanse ang aking paghinga. My heart's beating like crazy. That was a very terrible dream!

San CarlosWhere stories live. Discover now