Kabanata 19

1.5K 72 43
                                    

Mahigpit ang hawak ni Inigo sa aking kamay habang tumatakbo kami palayo sa lugar. Wala akong marinig na kung ano man kung hindi ang mabigat kong paghinga at ang kabog ng aking dibdib na siyang pumupuno sa aking tenga. We ran forward, every second barley escaping death, I can feel my blood on fire. Adrenaline coursed through my system. I think my heart will explode, my head spinning, and my eyes are wide with fear.

Ngunit sa bawat segundong lumilipas ay unti-unti na rin akong nahihirapan sa paghinga. Bumibigat na rin ang aking mga tulikap at halos 'di ko na mahakbang pa ang aking mga paa.

"Nagkalat sa ibang bahagi ng bahay aliwan ang mga ilang kalalakihan mula sa bayan na umanib saamin nang malaman ang nangyari sa hukuman. Naroon sila ngayon upang iligaw ang mga guardia, habang ang ilan naman ay itinatakas ang ilan pang kababaihan na narito..." hindi ko na nasundan pa ang ilan sa mga sinabi ni Inigo at tuluyan nang bumigay ang aking katawan sa sobrang panghihina.

"Mierda," Inigo cussed under his breathe after I landed on his arms. "Kumapit ka lang, Eloise."

Naramdaman ko na lamang ang biglaang pag-angat ng aking katawan mula sa lupa. Hinanap ng mata ko si Inigo, ngunit tanging malabong imahe na lamang ng kanyang mukha ang aking nakita.

In this moment, we are literally running for our lives. The pain from my wound that once burned like fire had faded away to an icy numbness. Black slowly filled the edges of my vision and the only thing I could hear was my own heart beating, as if wanting to escape out of my ribcage. Pilit kong pinanatiling mulat ang mga mata hangga't kaya ko.

Some people says that when your life is about to end or when you're about to face death, you will see your whole life flashing right before your eyes. But I don't. Does this mean that I'm not dying yet? Or my whole life simply meant nothing?

"Inigo! Ano ang nangyari sa Señorita?" isang pamilyar na boses ang aking narinig. Sinubukan ko na hanapin kung saan galing ang boses, ngunit wala na akong gaanong maaninag sa paligid.

"Julio, kailangan na natin umalis. Nauubusan na ng dugo si Eloise," Inigo's voice laced with fear.

"Mauna na kayong lumabas. Mukhang nahihirapan pa ang ilan nating kasamahan sa pagtakas ng iba pang kababaihan rito. Mananatili muna kami rito nila Diego at ng iba pa upang isagawa ang huling plano. Nasa lagusan na ang ilan sa mga kasamahan natin. Magpunta na kayo do'n nang maabutan..."

Hindi ko na nasundan pa ang pinag-uusapan nila. Ngunit mukhang sang-ayon naman si Inigo sa kung ano man 'yon dahil naramdaman ko na lang na nagpatuloy na itong muli sa pagtakbo. Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang pupuntahan namin. But I tried my best to keep my eyes open. I need to keep my eyes open.

"Nandito na tayo," wika ni Inigo makalipas ang ilang minuto, "Kailangan na nating lapatan ng paunang lunas ang tama mo ng baril, Eloise. Hindi mainam kung patuloy kang mauubusan ng dugo," bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Sinubukan ko na tingnan ang buong paligid ngunit masyado na akong nanghihina upang gumalaw pa. Bumalik ang paningin ko kay Inigo na ngayon ay nakatitig sa akin. Dahan-dahan akong tumango rito. He's right. I already lost a large amount of blood and I can't afford to lose more.

Pinaupo ako nito sa sahig. Noong maramdaman ko ang lamig nito at ang aking likuran sa pader ay nakahinga ako kahit papaano. Pero bigla akong napangiwi sa sakit nang aksidenteng maigalaw ko ang braso kong may tama ng baril.

"Masasaktan ka ng konti. Handa ka na ba?" I looked into his eyes and nodded. Nag-igting ang panga nito nang lumipat ang tingin sa braso ko. Blood soaked into my sleeves, radiating outward.

Mahigpit akong napahawak sa braso nito nang pilasin nito ang manggas ng aking suot na camisa, revealing the dark hole from the gunshot. Gamit ang pinilas na tela ay tinakpan ni Inigo ang sugat. He wrapped the fabric around my arm, and I close my eyes, beads of sweat forming on my forehead as I try my best not to scream in pain while he tightened the fabric around my bleeding arm.

San CarlosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon