Kabanata 13

1.3K 87 5
                                    

"Bumukas ka," I hissed in frustration. Kanina ko pa pilit na binubuksan ang pintuan ng bodega, ngunit masyado na akong natatagalan.

I could still hear the muffled cries from the inside. Hindi ko maiwasan ang kilabutan sa pag-iisip na maaring pagbukas ko ng pintuan na ito ay walang tao, ngunit malakas rin ang kutob ko na totoong mga tao ang nasa loob nito. I puffed a relieved sigh when I heard the door knob clicked. Ibig sabihin, nabuksan ko na nga ang pintuan. Sa wakas.

Ipinikit ko ang mga mata habang dahan-dahang binubuksan ang pintuan, afraid that a ghost will pop up in front of me. I slowly opened my eyes and thankfully, I didn't see any ghost. Isang malaking lampara ang una kong nakita. Nagsilbi itong liwanag sa loob ng madilim at malamig na bodega.

"T-tulong..." halos lumukso ang puso ko sa gulat nang makita ang isang babae na nasa sulok ng kwarto. Gusot-gusot ang damit na suot nito at magulo ang nakalugay niyang buhok.

Inilibot ko ang mata sa buong kwarto at nakita ko ang dalawa pang dalaga. Madilim man ay nakilala ko pa rin ang isa sa mga ito. Ang anak ni Doña Emilia, si Katarina. Tulad ng unang babaeng nakita ko ay gusot-gusot din ang damit na suot ng dalawa. Sabog ang buhok at maitim ang ilalim ng kanilang mga mata. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang namuong tuyong dugo sa iba't-ibang parte ng katawan nila. I could feel myself shaking in anger. It's real.

"Tulungan mo kami..." the other girl from the corner said. Nanginginig ang buong katawan nito at halatang takot na takot. Napamura ako sa isipan at mabilis silang nilapitan.

"Itatakas ko kayo dito..." bulong ko, habang dahan-dahang inaakay ang dalawang babae saaking balikat. But I wasn't able to lift them up.

Nakakadena ang mga paa nila. My hands clenched into a fist. Lalo lamang tumindi ang galit na nararamdaman ko. Sino ang walang pusong ikakadena ang mga babaeng ito na parang mga hayop?

"Hinahabol nila ako..." tila nabingi ako nang marinig ang sinabi ni Katarina. Nakabaluktot ang katawan nito sa isang sulok, kahit na madilim ay pansin ko ang panginginig ng kanyang balikat. Marahil dahil sa takot.

"Sabihin niyo saakin, sino ang gumawa sainyo nito?" I know it wouldn't be healthy to ask them in their state, but I need confirmation.

"H-hindi namin sila kilala... M-marami sila... Ngunit si Señora Felicidad... Siya, siya ang—" hindi na nagawa pang ituloy ng babae ang kanyang sasabihin nang makarinig kami ng mga yapak mula sa labas.

Naalarma ako lalo na nang maramdaman na palapit ang mga yapak na ito saamin. Nilingon ko ang tatlong kaawa-awang dalaga na nasa loob ng kwarto. I will get them out of here, but tonight is not the right time. Sinubukan kong hawakan ang balikat ng isa sakanila, upang ipaalam na tutulungan ko sila, but I was surprised when she flinched and abruptly moved away from me.

"U-umalis ka na... Hayaan mo na k-kami dito..." nanginginig ang boses na sabi niya. Inilingan ko naman ang tinuran niya at tiningnan ko sila isa-isa, diretso sakanilang mga mata.

"Makinig kayo saakin..." I licked my lower lip, my breathing is heavy in both pressure and fear. Palakas nang palakas ang yapak, anumang segundo ay maaari akong mahuli.

"Bukas ng gabi. Sa parehong oras. Itatakas ko kayo dito," I said it like a promise. Kita ko kung paano gumuhit ang pag-asa sa mukha ng babaeng nasa harapan ko, ngunit ang dalawa sakanila ay umiiyak pa rin.

"Kung hindi bukas, sa susunod na araw. Pangako iyan. Mahihintay niyo ba ako?" palipat-lipat ang tingin ko sakanila.

"P-paano mo gagawin iyon? H-hindi mo sila kaya, marami sila..." nginitian ko ang babae na nasa aking harapan. I caressed her hair lightly.

San CarlosWhere stories live. Discover now