Kabanata 2

3.4K 167 21
                                    

I wasn't able to get a good sleep last night. The terrifying memory of the incident outside the San Carlos' church haunted me until dawn. Namuo ang galit sa dibdib ko para sa lalaki kagabi. I don't care if someone might call me cruel, but I am thankful that he was shot by Inigo last night. He deserved it.

On the second thought, I am also frustrated in myself that I just allowed things to happened. Kung sana ay hindi ako pinangunahan ng takot ko, maaaring hindi na ako umabot pa sa ganoong sitwasyon. Malaki ang pasasalamat ko kay Inigo dahil dumating pa rin siya kagabi even though he pissed the hell out of me.

Inigo Gabriel dela Cuesta.

"Kailangan ko lamang siyang kausapin, Rosa. Sige na?" pinagsiklop ko ang dalawang palad at matamis na nginitian si Rosa. I can see how torn she is. Kung susundin ba niya ang Señora sa utos nito o ang pagbigyan ang pabor na hinihingi ko sakanya.

"Señorita kasi," humugot ito ng isang malalim na hininga, nakukulitan na sa akin. Hindi na rin niya alam kung ano ang susunod na sasabihin sa akin.

With a smile, I raised a brow, "Ano?"

"Hindi po talaga kayo maaaring lumabas ng mansyon ngayong araw dahil iyon ang mahigpit na ipinag-utos ng Señora sa amin," nahihiyang tanggi nito sa akin. But that won't stop me.

"Ngunit wala naman ang Señora," I retorted, "Tiyak na nasa hukuman na ito ngayon upang ipasa ang kaso na isinampa nito sa lalaking nagtangkang gumahasa sa akin kagabi."

Pinaputukan ng bala ni Inigo ang lalaki kagabi, ngunit hindi niya iyon pinatay. Nalaman rin ng mga guardia civil ang pangalan ng lalaki. It was Pedro Rivera, the wanted criminal who have just escaped from the prison months ago. Mukhang tuluyan na rin itong nabaliw ayon sa mga guardia.

Nagtungo si Señora Felicidad sa hukuman ngayong umaga upang masigurado na mapapatawan ng karampatang parusa ang lalaki. I wanted to come too, but she insisted that I should just stay home. Nag-aalala ito na baka hindi ko pa kayanin na harapin ang lalaking muntik nang gumahasa saakin.

Sure, there's still a fear inside me but the anger I feel for the man is dominant. Hindi naman maaari na manatili lamang ako sa sulok at manahimik kung alam ko na kaya ko naman ipagtanggol ang sarili sa tulong ng batas.

"Hindi mo na kailangan pa na sumama saakin, Eloise. Manatili ka na lamang sa loob ng mansyon. Dejame lidiar con esto," Let me deal with this.

Iyon lamang ang sinabi ng Señora saakin kanina bago siya tuluyang umalis ng mansion, lulan ng carruaje. Hindi ko maintindihan, I mean, papaano nito masasampahan ng kaso ang lalaki kung wala naman ang talagang biktima ng pangyayari?

"At kung tutulungan kita sa plano mong pagtakas Señorita, tiyak na ako naman ang susunod na ihaharap ng Señora sa hukuman," Rosa finally spoke, making me chuckle at her statement.

"Kung ganoon..." tumaas ang dalawang kilay niya, hinihintay ang maaring susunod kong sasabihin sakanya. I stared at her.

"P-po, Señorita?"

"Kung hindi mo ako matutulungan na puntahan si Inigo dela Cuesta, maari ba na sabihin mo na lamang saakin kung saan ito nakatira?" I asked, smiling. Just agree already!

"Señorita!" gulat na sagot niya sa pabor na hiningi ko. Bakas rin sa mukha nito na hindi niya nagugustuhan ang pagiging mapilit ko. Umiling na lamang ako, binabawi ang sinabi.

San CarlosUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum