Kabanata 4

3K 159 11
                                    

"Inigo!" mabilis ko siyang hinarap. I forced a smile, pilit na itinatago ang pagkabigla sa aking mukha.

Lumapit ito saakin. Sa bawat hakbang nito ay maririnig mo ang malutong na tunog ng mga dahong nahulog mula sa mga sanga. Ang lakas din ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. There was a sudden rush of a wind, dishevelling his hair and adorning his head.

"Uulitin ko ang aking katanungan, binibini. Sinusundan mo ba ako?" he stopped two feet apart in front of me. Seryoso ang kulay tsokolate nitong mga mata habang sinusuri ako.

"I–i—shit," mahina kong bulong sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I can't think of any alibi!

I heaved a deep breathe. Simula nang dumating ako sa panahon na ito ay dumalas na ang pagsisinungaling ko. Ultimo buong pagkatao ko rito ay isang malaking kasinungalingan. I don't want to add up to my sins anymore. I'll be honest, once again.

"Hindi iyon kagaya ng iniisip mo," I started. Nanatili lamang na seryoso ang kanyang mukha, naghihintay ng aking susunod na sasabihin. God, dinaig pa nito ang mga propesor ko during our recitals!

"Natatandaan mo ba 'yung huling usapan natin? Tutulungan mo ako na makabalik sa panahon ko, hindi ba? Hinintay kita noong sumunod na araw ngunit hindi ka naman dumating. Pati noong mga sumunod na araw ay hindi rin," I continued. And I swear, I saw a flicker of guilt in his eyes.

Lihim akong napangiti dahil sa nakita. Ad misericordiam, it is where you struck the emotion of the person you're talking to.

"Kaya naman kaninang madaling araw ay napag-isipan ko na puntahan ka sainyo," paliwanag ko rito, which is really true. Well, I didn't told him the tumakas part just to make this conversation happen.

"Hindi ko alam kung paano kita lalapitan o kakausapin kaya naman sinundan kita. At dito," inilibot ko ang mata sa kabuuan ng sementeryo bago tumingin muli sakanya.

"—dito ka nagpunta," and then I glanced at the tombstone beside me.

"Hindi mo dapat ginawa iyon," sa wakas ay nagsalita na ito, "Hindi mo na dapat ako sinundan pa rito," his voice is menacing that made me shudder on the inside.

"Pasensya na," I says, "Ngunit, maaari ko bang malaman kung sino ang dinadalaw mo rito?" patuloy ko.

Ang sabi saakin ni Rosa ay walang kapatid na babae si Inigo, ngunit sino ang babaeng ito na may apelyidong dela Cuesta? I paused when realization hit me.

I pointed at Inigo, "D-dont tell me? Asawa mo ito?" napatakip ako sa bibig dahil sa sariling tanong. Nagsalubong naman ang kilay ni Inigo.

"Hindi," tipid na sagot niya. Tumalikod na ito at nagsimulang naglakad papaalis sa lugar.

My eyes widened, "Wait!"

I had to walk two times faster dahil sa bilis ng paglalakad niya. He's long-legged, tapos nagmamadali pa siyang maglakad kaya nahihirapan ako na habulin siya. Can he please slow down, because I had such short legs!

"If she's not your wife, then maybe she's your cousin!" patuloy ako sa pagsasalita habang hinahabol siya. Akala ko ay hindi ako nito pinapansin, then I realized that I talked in English.

"Pinsan!" ulit ko, "Pinsan mo siya hindi ba? Ano ang nangyari sakanya?" alam ko na nakukulitan na siya saakin, pero sadyang hindi ko talaga mapigil ang sarili hangga't sa makuha ko ang hinihingi kong sagot.

"Kung hindi mo siya asawa o pinsan man lang..." I slowed down a bit from walking, "Kapatid mo ba siya?" the moment the words slipped from my lips, I saw how Inigo stopped.

Huminto ito mula sa paglalakad. Hindi nakatakas sa aking paningin ang kamao nito na nakakuyom. Slowly, he turned to face me. There is this evident grief written in his eyes. Sumulyap ito sa kalangitan kung saan sumisilip na ang haring araw. And when he looked back at me, his face is devoid of any emotion once again.

San CarlosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon