Kabanata 17

1.7K 98 15
                                    

Abot-abot ang kabang naramdaman ko nang pumasok ang isang matangkad at may katandaang lalaki. He's wearing a black cloak, like the judges wears. Hindi ako nagkamali sa akala nang makita itong umupo sa harapan, sa gitna ng courtroom.

His aura screams power. Lalo na ang matalim nitong mga mata sa ilalim ng kanyang salamin. Tumindi ang kaba ko nang ayusin na nito ang kanyang salamin at tumama ito sa sinag ng araw na nagmumula sa matataas na bintana ng hukuman. Tumikhim siya na siyang naging dahilan para manahimik ang lahat.

"Sa ngalan ng mababang hukuman ng bayan ng San Carlos, yo, Salvador Valeroso, el juez de la corte, ahora ordeno comenzar el juicio," I, Salvador Valeroso, the judge of the court, now order to begin the trial. seryosong saad nito na sinabayan ng kanyang pagpukpok sa hawak na maso.

"Ipasok ang nasasakdal," muling saad nito. Narinig ko ang pagbukas ng malaking pintuan na nasa aming likuran. Lumingon ako rito at halos maluha nang makita si Inigo.

Two guardia civils, dressed up in their blue Rayadillo, guided him towards the court. Uminit ang sulok ng aking mga mata habang tinitingnan ang kalagayan niya. May mga pasa ito at may bakas rin ng dugo sa kanyang damit. My hands gripped my saya, pinipigilan na tumakbo papalapit sakanya.

Inigo's eyes found mine, at parang nabasag ang puso ko nang ngitian niya ako. Napalunok ako at binalaan ang sarili na huwag iiyak. I inhaled sharply, smiling back at him.

Hinila siya ng mga guardia, dahilan para mawala ang tingin niya sa akin. Pinaupo nila ito sa harapan ng hukom. Nakakabingi ang katahimikan ng buong paligid, sabayan pa ng lakas ng tibok ng puso ko. Ilang segundo pa ay biglang lumabas sa madla ang isang pamilyar na lalaki. My eyes widened in realization.

Si Gael!

Seryoso at pormal na pormal ang suot nito. He's clad with a black slacks, a white long sleeves, na pinatungan niya ng isang itim na abrigo. Nakasuot ito ng itim na sumbrero. Ang suitcase na hawak niya ay maingat niyang inilapag sa mesang nasa harapan niya. He'll serve as Inigo's lawyer then? Hindi ba't nag-aaral pa lang sila?

"Ah, isang Martinez!" bulong ng mga tao sa likuran namin. Hindi ko maiwasan na mapalingon.

I saw a group of ladies in baro't saya's. Lahat sila ay tutok na tutok ang mga mata kay Gael na ngayon ay nasa harapan. Takip man ng abanico ang kanilang mga mukha ay mababakas pa rin ang ngiti sa labi nila. Nandito lang ba sila para kiligin kay Gael?

"Isang karangalan na makita si Señor Gael sa ganitong pagkakataon!" my brows knitted, lalo na nang pabulong pang tumili ang isa sakanila.

"Kilala ang mga Martinez sa larangan ng abogasya. Tiyak na mapagta-tagumpayan nito ang kaso ni Señor Inigo," 'yun lang yata ang nagustuhan kong komento ng mga kababaihan. Inalis ko na ang tingin sa mga ito at tumingin muli sa harapan.

"Buenos días damas y caballeros, at saiyo kagalang-galang na Hukom Valeroso," panimula ni Gael. I had not seen him for a while, pero laking pasasalamat ko dahil nandito siya para kay Inigo.

"Ako si Gael Martinez, ang siyang magsisilbing abogado ng nasasakdal na si Inigo Gabriel dela Cuesta, laban sa reklamong ipinataw ng panig nina Emilia Ramirez, Kapitan Lucio Saldivar, at Enrico Alonso, na si Ginoong dela Cuesta ay may kinalaman sa pagdukot sa mga nawawalang dalaga at sa ilang kaso ng pagpatay," kumuyom ang kamao ko dahil sa narinig.

"Una sa lahat, ang kanilang paratang ay pawang walang katotohanan. Ang sinasabing pagdukot ni Ginoong dela Cuesta sa mga nasabing dalaga ay malinaw na isa lamang pang-aakusa. Hinihiling ko sa hukom na ilabas ang aming testigo sa gabing natagpuan ang ginoo na kasama ang mga dalaga," seryosong wika ni Gael sa hukom.

The judge nodded, "Ilabas ang testigo."

Ang malaking pintuan na gawa sa kahoy ay muli na namang bumukas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babaeng niligtas namin noong isang gabi sa gubat.

San CarlosWhere stories live. Discover now