Chapter 47

1K 25 4
                                    

Chapter 47

Gabi nang makauwi ako sa bahay. Sinundo ako ni Kuya Vince sa gate ng subdivision. Hindi daw kasi pwedeng ipakilala si Zake kay Mommy dahil masama raw ang awra nito.

"Ngayon mo pa talaga naisip na umalis." Sabi ni Kuya Vince bago kami pumasok sa bahay.

"Hindi ko alam na uuwi si Mommy ngayon."

Unti-unti naman niyang binuksan ang gate namin. Hinayaan niya akong unang makapasok bago siya sumunod.

"Nasaan si Joy?" Tanong niya.

"Hindi niya ako sinipot." Simpleng sagot ko.

"Kaya nandoon si Zake?" Bulong niya.

Napatingin naman ako sa kaniya. Nakapamulsa ito at seryoso ang mukha.

"Akala ko ba alam niyo?" Tanong ko.

"Alam ko, hindi ko naman alam na sasabihin mo sa kaniya kung nasaan ka." Sabi niya at nilagpasan na ako.

Dire-diretso siyang pumasok sa main door. Sumunod naman ako sa kaniya. Nang makapasok ako sa loob nakita ko ang atensyon mula sa magulang ko pati na rin sa mga kuyako. Nandito rin ang pinsan kong si Ynah.

"Anak!" Tawag sa akin ni Daddy.

Agad akong lumapit sa kaniya para hagkan. Gano'n din ako. Nang makita ang pinsan ko, hindi ko alam ang magiging reaction ko. I still remember what my parents did. They left because of Ynah, they choose to left me behind. They love Ynah so much. They give what Ynah wants and me? Here, stuck with my brothers.

"How have you been?" Tanong ni Daddy matapos akong yakapin nang mahigpit.

"I'm good. Belated merry christmas!" I said.

Tiningnan ko naman ang Mommy ko.

"Hi, Mom." Then I smiled.

"Hija, where have you been? Hindi mo man lang kami nasundo sa airport."

"Sorry. Kasama ko kasi yung kaibigan ko." Then I kissed her cheeks.

Matapos iyon, binalingan ko naman ang pinsan kong si Ynah.

"Good to see you." I greet.

"Amielle." Biglang saad ni Kuya Vic.

Hindi ko iyon pinansin kahit na alam kong may pagbabanta sa boses niya. Anong magagawa ko? Ang inaasahan ko ay ang magulang ko lang pero hindi iyang pinsan ko.

"Come on. Let's eat." Sabi ni Mommy at nagtungo sa dining area.

Isang haplos ang naramdaman ko sa balikat bago ako binitawan ni Daddy at sumunod sa hapag. Lumapit naman si Kuya Vince sa akin.

"I forgot to tell you, she's here." Bulong niya.

Tumango lamang ako nang tahimik at saka naglakad para sumunod. Nauna naman si Kuya Vic saka si Ynah sa amin. Umupo ako sa pwesto ko kung saan malapit ako sa may gitnang upuan. Si Kuya Vince naman ay tumabi sa akin. Habang si Daddy ay sa gitna, si Mommy naman ang nasa kabilang gilid ni Daddy habang si Ynah ay katabi ni Mommy. While my Kuya Vic ay nasa harap ni Daddy na nasa gitna din nakaupo.

"Let's pray." Ngiting saad ni Mommy.

Tahimik akong nagdasal habang si Kuya Vince ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Tumingin ako sa harap ko. Busy ang mommy kong nakapikit at nagdadasal habang si Ynah naman ay nakangisi sa akin.

I smiled at her.

Pero sa loob loob ko sana hindi na lang pala ako muna umuwi. I can't bear to be with her. After prayer, tahimik kaming kumain.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon