Chapter 40

1.6K 35 7
                                    

Chapter 40

Maaga akong nagising para sa pag-alis namin ni Zake at ng mga kaibigan namin. Mabuti nga't pinayagan si Joy na umabsent dahil nakita ng mga magulang niya na devastated siya. Si Kuya Vince naman ay pumayag na dahil nakapayag na si Kuya Vic wala na lang siyang nagawa. Excited kong kinuha ang backpack bag ko para sa outing. Saan kaya kami dadalhin ni Zake? I'm so excited!

"Bakit hindi ka muna kumain ng almusal?"

Napatingin naman ako sa nagsalita. Nakita ko si Kuya Vince doon na naka-school uniform at nakahilig sa pintuan ko.

"Maya na Kuya, tapusin ko muna 'to."

Pumasok naman siya sa kwarto ko at naupo sa kama. Alam kong pagsasabihan lang ako niyan. Napatitig naman ako sa kaniya at ngayon ko lang napagtanto na bagay pala sa kaniya ang buhok niya.

"Bukas pa daw kayo uuwi. Nako, Vianna sinasabi ko sayo. Hindi kita pinayagan doon para lumandi lang ha."

Sinimangutan ko naman siya pero tiningnan niya lang ako ng seryoso. Itinigil ko ang ginagawa at lumapit sa kaniya at saka siya niyakap.

"Magpapakabait ako doon. Napakabait kasi ng mga Kuya ko kaya hindi ko magawang suwayin. Kung hindi mo ako pinagtakpan noon kay Mommy siguro nasa abroad na ako ngayon."

Hinawakan naman niya ang ulo ko at saka ginulo ang buhok ko. "Dapat lang. Kapag ikaw nabuntis. Lagot ka talaga sa akin."

Napalunok ako.

"Wala nga iyon sa isip ko. Jusko naman o,"

"Nako, kukutusan talaga kita." Sabay pakita niya sa akin ng kamao niya.

Hinampas ko na lang siya sa dibdib at nag-pout.

"Osige na, mag-ayos ka na tapos kumain. Baka mamaya dumating na mga kaibigan mo."

"Saka boyfriend ko!!!" Sigaw ko.

Inirapan lang niya ako saka brinush ang buhok. Bumalik ako sa aking pwesto at tiningnan siya.

Tumango-tango naman siya. "Oo na, oo na. Kuya mo naman ako kaya wala sa akin kung mag-aayos ka ng mga panty mo sa harap ko."

Binato ko naman siya ng unan at tiningnan nang masama. "Kahit kailan ka!" Tumawa naman siya. "Oo na. Napaka-arte mo. Di kita paalisin diyan e."

"Che!" Sigaw ko.

Lumabas naman na siya ng kuwarto ko. At ako naman ay nag-ayos na ng mga underwear. Nang matapos akong mag-impake ay sakto dumating sila Joy at Zake. Akala ko nga sinundo ni Zake si Joy ngunit nag-taxi lang daw siya.

"Tara. Kain na tayo." Sabi ko nang makababa sa hagdan.

"Hindi ka pa kumakain?" Tanong ni Zake at inakbayan ako sabay papuntang kainan.

"Oo, nag-ayos pa ako ng gamit ko."

"Mas inuna mo pa iyon kesa sa pagkain." Sabi naman ni Zake.

"Mamaya na nga iyan! Kumain muna kaya kayo." Sita naman ni Joy.

Ngumiti naman akong umupo sa hapag-kainan at ganoon din si Zake. Katabi ko si Zake habang nasa harap ko si Joy, katabi naman ni Joy si Kuya Vince at si Kuya Vic naman ay nasa gitna.

Masaya akong kumain dahil halos kasabay ko ang mga importanteng tao sa buhay ko. Napatingin naman ako sa isa pang gitnang upuan. Kung hindi lang nangyari sa amin ni Feptzam iyon siguro nandoon siya ngayon sa upuan at nakaupo.

"Kung ano man iyang iniisip mo, nako. Huwag na ha." Suway ni Kuya Vince.

"Oo na." Sabay tango ko.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon