Chapter 37

1.5K 49 1
                                    

Chapter 37

Simula noon ay nag-seryoso ako sa aking pag-aaral. I'm doing my homeworks and I do the recitations. I don't want to be a far from Zake. Hindi ko kaya. Sa tatlong taon na lagi ko siyang nakikita iniisip ko pa lang na mahihiwalay sa kaniya ay hindi ko na kaya. It's PE day kaya naman nagsimula na ang mga kaklase ko na mag-ayos ng kanilang mga jogging pants.

Noong nilabas ko na ang aking PE uniform ay naglakad na papasok sa fitting room. Nang maisuot ko ang aking uniporme ay nandoon na si Joy sa labas at naghihintay.

"Oh, tapos ka na?" Tanong nito at nauna ng maglakad sa akin.

"Tara na." Sabi ko at binuksan ang locker ko nang mapansin kong may sira ito.

"What happened to your locker?" Tanong ni Joy.

Tinaas ko na lamang ang dalawa kong balikat. Hindi ko din alam. Hindi naman ganito iyon, siguro ay may nag-away nanamang senior kaya nasira ito. Madalas kasi dito nag-aaway ang mga senior naming schoolmate na babae.

"Halika na nga." Sabi niya.

Sumunod naman na ako sa kaniya at pumasok na sa gym. Napansin ko namang nagbubulungan ang tao at natatawa sa tuwing dumadaan kami ni Joy. Damn! Nagsisimula nanaman ang mga tao.

"Amielle," tawag ni Joy sa akin.

Tumingin naman ako sa kaniya at tinanong kung ano yon nang bigla niya akong niyakap.

"Nakakahiya, ang gross!" Sabi nung babaeng mukhang senior.

"Hahaha, damn!" Sabi nung lalaki.

"Anong problema, Joy?" Tanong ko kay Joy nang bigla niya akong pinaglakad papalabas ng gym.

"Butas iyong jogging pants mo." Bulong nito.

Agad ko naman tinakpan ang aking pang-upo. Hindi ko alam ang gagawin. Pakiramdam ko ay namumula na ako sa hiya at sa inis. Halo-halo ang nararamdaman ko, hindi ko iyon masabi.

"Hindi mo ba napansin?" Tanong ni Joy nang makarating kami sa locker room.

"H-hindi." Sabay iling ko.

Binuksan naman niya ang locker ko at binigay sa akin ang aking academic uniform. Kinuha ko iyon at agad na tumakbo sa fitting area. Marami pa din ang natuwa sa nangyari at hindi mapigilan ang mga pagtawa. I feel humiliated. Hindi ko alam na naiiyak na pala ako sa nangyari. First time lang nangyari sa akin ito.

"Amielle, okay ka lang?" Tanong ni Joy na nasa labas nang aking pwesto.

Pinunasan ko naman ang mga luhang tumutulo sa aking mukha at hinubad ang jogging pants at t-shirt. Agad ko namang isinuot ang uniporme namin at inayos ang sarili. Tiningnan ko naman ang jogging pants na may butas at pa-cross ito. Maliit ngunit mahahalata mo.

Lumabas naman na ako nang silid at nginitian si Joy para malaman niyang ayos lang ako. Hinawakan naman niya ako at sabay kaming nagpunta sa gym. Nagsisimula naman na ang aming PE doon at kinakausap ng aming proctor ang aming klase. Tahimik naman kami ni Joy na umupo sa aming pwesto, nakita ko naman na hindi pa din tapos ang tawanan ng iba. Napatingin naman ako sa pwesto ni Zake at nahuli kong nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay nanlilisik at nanliliit. He's mad. Siyempre, sino ba namang hindi magagalit doon? Wala naman akong ginagawa. I know naman kung sino ang gumawa noon, ang mga fans ni Zake o kaya naman si Drea. Hindi ko naman sila masisisi, mali ang tingin nila sa akin.

"Lacson, why are you wearing our academic uniform?" Tanong nung PE teacher namin.

"Uh, Sir, mayroon po kasing nagbutas ng jogging pants ko kaya hindi ko masuot, napansin ko ding po na sira ang locker ko." Nakayuko kong saad.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon