Chapter 19

2.7K 73 7
                                    

Chapter 19

Amielle's POV

"Hey. Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Joy sa akin.

Hindi ko alam, sobrang gulo ng isipan ko. Ano 'yun Zake? Pinag-loloko mo ba ako?

"Pinakilig ka lang tapos iniwan." Sabi ni Joy sa akin at umupo sa kama.

"Hindi ko siya maintindihan Joy." Sabi ko.

Nitong mga nakaraang linggo alam ko nag-iiwasan kami ni Zake. Kahit lagi ko silang nakikita ni Drea na mag-kasama, bakit si Drea pa? Diba? Niloloko lang ni Drea si Zake? Diba may something sa kanila ng kaibigan ni Zake?

"Huy teh! Alam kong may problema ka sa lovelife mo. Gusto mo ba munang lumabas?" Tanong ni Joy.

Hays! Halos piliin ko si Zake para kay Feptzam. Tapos ganito lang din pala ang mangyayari sa amin. Dapat pala hindi na lang ako sumama sa Birthday na 'yun e.

"Tara. Gusto ko mag-libang." Sabi ko at kumuha ng damit sa Cabinet ko at pumasok sa cr.

Nang matapos akong mag-bihis ay nag-paalam na ako kay Kuya Vince. Si Kuya Victor kase ay may pasok daw sa NTSP Class niya.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ni Joy.

"Doon sa Boutique nila Abigail Perez." Sabi ko.

"As in? Kaya mo ba presyo don?" Sabi naman ni Joy.

"Oo. Parang forever 21 lang naman ang presyo ng damit doon." Sabi ko.

Agad naman kaming pumunta ni Joy doon. Sa hindi inaasahan nandoon si Feptzam at meron itong dalawang kasamang babae, ang dalawang bitch sa school, sila Rica at Shean.

"Ow. Nandito yung old friends!" Sabi ni Rica.

"Hahaha, say hi to them feptzy." Sabi naman ni Shean.

"Hi Joy and oh, hi slut!" Ngising pag-bati ni Feptzam sa amin ni Joy.

Parang ilang araw lang nag-bago siya, nasaktan ako sa sinabi niyang slut, ganon ba talaga tingin niya saken?

"Hayaan mo nalang, tara na ba?" Tanong ni Joy na halatang malungkot din na ganon si Feptz.

"Ow. Would you want to come to our house party?" Pag-iinvite ni Rica.

"Here's the invitation." Sabay abot naman ni Shean.

Nang maiabot nila yung invitation ay umalis na din sila. Kami naman ni Joy ay namili na lang ng damit. Pupunta nalang kami tutal wala kaming balak ngayong weekends.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Joy.

"Hays! Mag-sisinungaling ako sayo pag sinabi kong okay ako, sa totoo lang hindi e. After what I see na si Feptzam may bago ng kaibigan and yung feelings ko para kay Zake na alam naman nating sobrang labo."

"Alam mo? Kahit naman ako nalulungkot na makita na may bago na ngang kaibigan si Feptzam, pero anong magagawa natin. Mas inuuna niya ang Lalake kesa sa friendship."

"Hays! Di ko na nga alam gagawin ko." Sabi ko.

"Ginawa ko naman lahat, yes inexplain ko sa kaniya na may gusto ka kay Zake pero mismong si Zake ang lumapit sayo para maging kaibigan mo, pero wala e, immature ata talaga siya."

"So meaning, wala na talaga tayong magagawa. Ganon?"

"Meron, ang kaso. Pati ba mismo si Feptzam gustong makipag-ayos?"

Napaisip din ako sa sinabi niya, oo nga no! Kami lang 'to ni Joy ang gustong makipag-ayos.

"Siguro nga, bigyan muna ulit natin si Feptzam ng enough time para mag-isip." Sabi ko at lumabas na ng shop dala ang pinamili namin.

Pagkatapos namin mamili ay kumain muna kami sa labas at sa hindi inaasahan. We saw Zake and Drea!

"Hi Amielle!" Bati ni Drea sa akin habang ang kamay niya ay nasa braso ni Zake.

Tinignan ko naman si Zake at halatang di siya makatingin sa akin.

"Close kayo?" Bulong ni Joy. Napailing nalang ako.

"Alam mong malabo iyan." Bulong ko.

"Well, sorry for the last time." Sabi niya at ngumiti pa saken.

"Can we should go?" Tanong naman ni Zake at hinawakan ang kamay ni Drea.

FIRST BLOOD! Sakit pala makita sa sarili mong mata no? Na iba yung hinahawakan niya, iba yung kasama niya. Bat ba kasi umaasa ka Amielle na magugustuhan ka niya?

"So. Bye!" Paalam ni Drea.

Napabuntong hininga nalang ako at napainom ng tubig. Hindi ko ata kinaya yung nakita ko. Hoo!

"Ano ba yan, ang dami mo naman pinag-dadaanan." Sabi ni Joy at niyakap ako.

Hindi ko alam pero naluluha na pala ako, una! Nawalan ako ng kaibigan, isang kaibigan na laging andiyan para saken, yung kaibigan na pinapasaya ka. Pangalawa, yung taong gusto mo, hindi ka gusto! Ganon ba talaga? Kung ano pang gusto natin yun pa ang hindi binibigay sa atin? Why? Kasi hindi natin deserve 'yun?

"Tara. Iuwi na kita." Sabi ni Joy.

Napangiti nalang ako sa kaniya, I am very thankful. Joy never leave me. Kahit siya na lang Lord, wag niyo ng kunin! Baka hindi ko na kayanin e.

"Mabuti pa nga." Sabi ko at nag-punas ng mga luha.

Nang makalabas kami sa kinainan namin ay dumiretso na kami sa sakayan ng taxi. Pagdating naman namin doon ay walang halos naka-pila.

"Joy? Mag-jeep na lang kaya tayo." Sabi ko.

"Nako teh! Mahirap. Punuan ngayon dahil anong oras na oh." Sabi niya.

May bigla namang tumawag sa telepono niya.

"Sige. Papunta na ako!" Sabi niya at mukhang nag-aalala.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Amielle, sorry! Mukhang di kita masasamahan pauwi, may emergency kase sa bahay! Kaya mo ba? Mag-jeep ka nalang at madilim dito." Sabi niya.

"Ganon ba? Sige. Mag-iingat ka! Ayos lang ako dito. May mga sasakay naman siguro dito ayoko pang makipag-siksikan." Sabi ko.

"Sige. Pasensya na talaga ha? Di kita masasamahan ngayon. Babawi nalang ako bukas. Mag-text ka kapag nakauwi kana ha?" Sabi niya at kinisan ako sa pisngi. Ngumiti naman ako sa kaniya at nag-paalam.

Nang makaalis si Joy ay kinuha ko ang phone ko at binuksan ang flashlight. Mahirap na. Ako lang mag-isa nag-aantay dito sa terminal, bat ba kasi di nalang ako nag-jeep no?

Umupo naman na muna ako sa upuan nung terminal hangga't nakarinig na ako ng kaluskos. Aw shit!

"H-hello? May tao po ba?" Sabi ko at iniilawan ang mga bahagi ng lugar.

Bakit ba kase di sila mag-pagawa ng streets light? Ugh. Wag naman ngayon.

Habang nakatayo naman na ako dahil sa kaba ay may biglang humawak sa kamay ko kaya naman nahulog ko yung phone ko at namatay ito. Nawalan tuloy ako ng ilaw!

"Sino ka? Bitawan mo ko! Tatawag ako ng pulis." Sabi ko at umatras ng kaunti doon sa tumabi sa akin.

Naamoy ko naman ang pabango niya. Well, mabango siya. Ah basta! Alam kong lalaki siya.

Wala naman akong nakuhang tugon sa kaniya kundi ang mainit nyang hininga lang na alam kong nasa tapat ng mukha ko kaya naman unting-unti ko binaba ang mukha ko kaya lang ay hinawakan niya ako sa bandang baba.

"Si-sino ka please?" Halos magmamakaawa kong tanong.

God. Gusto ko pa makatapos at magkaanak. Please lang po!

Halos nag-hihintay ako ng sagot pero wala padin. Nagulat na lang ako nang bigla nya akong hinalikan sa leeg at bumukas ang mga ilaw sa bubong ng terminal. Halos napako ako sa kinatatayuan ko nang malaman ko kung sino ang Lalaking iyon.

Si Zake...

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon