Chapter 8

2.7K 103 3
                                    

Chapter 8

Amielle's POV

"I'll give you a first project" Sabi ni Mam.

"Hays! Ang aga naman" Reklamo ng mga kaklase namin.

"Ang hindi gumawa ay automatic blank ang grade." Sabi ni Mam.

"Awww!" Sabi nila.

Ako tahimik lang. Pag mag-iingay ako magrereklamo katabi ko. Sino pa ba edi si Zake! Nahiya naman dila ko sa kanya.

"Okay! Eto yung project nyo. Tutal boy and girls ang seat nyo. Automatic ang seatmate nyo na ang makakapartner nyo" Sabi ni Mam. Napatingin naman ako sa katabi kong tulog! Opo. Tulog po si Krass!

"Ay!" Reklamo ulit nila.

"Eto ang project! Make a video! Show your talents. Kung gusto nyo kumanta edi Go! Push natin yan, kung gusto niyo sumayaw okay. Siguraduhin nyo lang na maganda kakalabasan." Sabi ni Ma'am.

Ano yun? Gagawa kami ng Video tapos kakanta tapos sasayaw kami? No way!

"Okay! Iaanounce ko yung mga magkakapartner." Sabi ni Ma'am.

"Feptzam mary angela and Karl Jeffrey, Joy Boongaling and Blake, Mariel and Zyrus, Camille and Jim, Cherry and Paul and Amielle and Zake. Yung iba hindi sila magkakatabi. Pero kasi yung iba walang partner kaya pinili ko na lang." Sabi ni Ma'am.

Omo! Kapartner ko si Krass ♥ Kyah! Okay. Amielle behave! Wag malandi.

"Ipapasa nyo yan. Day after tommorow." Sabi ni Ma'am at nagdismiss na.

Lumapit naman sa akin sila Joy at Feptzam. "Si seatmate ang partner." Sabi ni Joy.

"Ngayon lang to Amielle. Bukas akin naman sya. Haha!" Sabi ni Feptzam.

Hays!

"Tss. Akala mo naman papansinin ka ni Zake. DUH!" Sabi ni Camille.

"Kaya nga!" ~ Cherry

"Ang ingay nyo." Sabi ni Zake at tumayo na sa upuan nya. Mukang nagising ata namin or nila Camille?

- Dismissal -

Dismissal na. Nagpaalam naman na ako kila Joy at Feptzam. Sasabihin ko pa kasi kay Zake na sya ang partner ko sa project namin.

"Una na kami." Paalam ni Joy.

"Bye bye!" Sabi ni Feptzam.

Lumabas naman na ako ng room. Hindi ko kasi nakita kanina si Zake e. Buong klase kasi wala sya! Hindi ko alam kung saan nagpunta.

Pumunta naman ako sa garden at sa cafeteria pero wala sya. Asan kaya yun?

"Ouch!" Sabi ko nung may bumangga sa akin.

"Z-zake?" Sabi ko.

"Ahm.. Z-zake tungkol—" Hindi ako natapos nung nagsalita sya.

"Alam ko.." Sabi nya at binigay sa akin yung Cellphone nya. Para saan to?

"Para—"

"Number mo" Sabi nya.

"Ah! Hehehe..." Sabi ko at kinuha yung touch screen nyang phone. Nilagay ko naman yung number ko. Para saan naman yun?

"Wag kang mag-isip ng kung ano! Kinuha ko lang for project" Sabi nya at iniwan na ako.

Sabi ko nga! Hindi naman ako nag-aassume e. Napaka-misteryoso mo talaga Zake Lupert Lacuesta.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon