Chapter 43

1.1K 27 2
                                    

Chapter 43

Monday nanaman. Nag-ayos na ako ng sarili at saka bumaba. Nakita ko naman ang dalawang kuya ko. Nung nakaraan ay hinayaan na nila makatulog si Zake sa sofa namin dahil sinabi kong pagod ito dahil sa bakasyon namin.

"Amielle, sabi ni Mom, bumisita tayo sa kanila ni Daddy." Sabi ni Kuya Vince.

"Pupunta tayong California?" Tanong ko.

"Yep, 1 week before Christmas day." Sagot naman ni Kuya Victor.

"I'm good, I miss Mom." Sagot ko.

Tumango naman sila. Umupo na ako at sumabay sa kanila para kumain. Tinext ko naman si Zake na huwag nang dumaan dito dahil ihahatid ako ni Kuya Victor sa school.

Nang marating ko ang eskuwelahan ay nag-goodbye kiss na ako kay Kuya bago bumaba. Nakita ko namang nag-uusap sila Joy at Blake.

"I'm really sorry, ginusto ko iyon, not because you're great but you are so beautiful and precious for me." Saad ni Blake sa kaibigan ko.

Wala namang halong emosyon ang mukha ni Joy. Para lang siyang nakikinig sa lesson. I sigh. Nilapitan ko sila nang mas malapit para mapansin nila ang presensya ko.

"You should talk about that privately, baka may makarinig sa inyo." Sabi ko sa kanila.

"Itetext na lang kita, Blake." Sabay hatak sa akin ni Joy.

"Are you alright?" Tanong ko.

Hindi ko naman maintidihan ang expression niya ngayon. Mukha siyang naiihi.

"Damn, kinikilig ako." Biglang sabi niya.

"Seriously?" Tanong ko.

"Sinabi ko naman sayo diba? Hindi ako sure sa nararamdaman ko. I'm not really sure."

"Then make it sure. You are falling for him?" Tanong ko nang diretso.

"Maybe yes or maybe not, pero halata naman diba? Kinikilig ako, excited ngunit ang awkward kasi nauna iyon."

"Shhh," suway ko.

"I'm sorry, basta. Can't explain."

Napailing naman ako, nang marating namin ang classroom ay naupo ako sa aking assign seat. Napatingin ako sa aking tabi. Wala pa ang boyfriend ko. Siguro'y napagod talaga siya sa byahe namin. But I am very thankful to Zake, he's very thoughtful. Wala sa itsura niyang may side na ganon siya.

"Amielle!" Tawag ng kaklase kong si Mary.

Nilingon ko naman siya at nginitian. Ngunit pag-aalalang mukha ang ipinakita nito.

"Na-move daw yung christmas party natin. Sa thursday na daw iyon. Kailangan na natin mag-ayos. Wala naman kasing nagpaparticipate sa akin 'e."

Bilang siya ang tumatayong Vice president ng classroom namin ay siya lang ang pwedeng asahan dahil hindi naman naasahan ang President namin dahil lalaki ito.

"Kailangan pa ba niyan?" Sabay lapit ni Joy sa amin.

Tumango naman ako. Hindi din siguro ako masisiyahan dahil nga may hindi kami pagkakaintindihan ni Feptzam. Hindi ko din siguro maeenjoy. Siguro slight dahil nandito naman si Zake. E, mukhang hindi naman pupunta non, mas gugustuhin noon matulog kesa dumalo.

"E, hindi pwede. May contest kasi na kung sinong mananalo na pinaka-magandang celebration ng christmas party." Lugmok na sabi ni Mary.

"I think so, edi tara. Hayaan mo yung hindi makikitulong." Sabi ni Joy.

Napatingin naman ako sa kaniya. Everything seems alright. Mukhang panibagong araw lang ito para sa kaibigan kong si Joy. Nakalimutan niya ang ginawa ni Feptzam sa kaniya. Everything seems normal.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon