Chapter 15

2.9K 111 10
                                    

Chapter 15

Nang makarating kami sa Mall. Oo! Sa Mall! Tss. Ano naman gagawin namin dito?

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at bumaba na sa sasakyan.

"Bibili ng damit mo." Sabi niya at nauna ng maglakad sa akin.

"Para saan? Hindi ko na kailangan niyan. Madami akong damit." Sabi ko at sumunod na sa kanya. Tss!

"Ikaw ang sasama sa akin sa debut ni Pauline." Sabi niya.

"Huh! Ba't ako?" Halos ipasigaw na ako sa narinig ko.

"Manahimik ka nga! Ingay mo e. Oo ikaw sasama sa akin." Sabi niya.

"Eh. Ba't hindi na lang si Drea?"

"Di siya pwede."

Dami naman iba e. Ako pa." Bulong ko.

"Wag ka na mag-reklamo! Atleast kasama pa kita." Sabi niya.

Wala na nga akong nagawa. Tss! Pumasok naman kami sa loob ng isang bilihan ng Damit.

"Pumili ka na." Sabi niya at hinayaan akong pumili ng magandang damit. Tss! Syempre. Pipiliin ko yung kaya lang ng budget ko. Mahirap na!

Pumunta naman ako doon sa mga Simple lang. Sabit na nga lang ako sa Debut ni Ate Pauline bobonggahan ko pa. Di na ako nahiya ah! Grabe na.

Napatingin naman ako doon sa isang black na dress. Totally, simple nga lang siya e. Siguro pwede na 'to! Pero ba't itim? Ano ba yan?

"Gusto mo ba yan?"

"Ay. Damit!" Halos napasigaw ako doon sa gulat. Ikaw ba naman gulatin e. Tss! Kabute ba 'to?

"Okay na yan. Wag mo ng alalahanin yung kulay. Mag-iitim naman ako na tuxedo para terno tayo." Sabi niya at kinuha yung damit sa akin at siya na daw ang magbabayad.

Naging mabilis ang tibok ng puso ko. Ah! Di 'to maaari. May girlfriend yung tao Amielle. Saka! Kaibigan ka lang. Kaibigan nga ba? Kelan pa?

"Oh. Hawakan mo! Bibili naman tayo ng sapatos mo." Sabi niya.

"Ano ka ba! Meron naman ako sa bahay e. Gagastos ka pa." Sabi ko.

"Manahimik ka na nga lang dyan. Atleast nga ikaw pa binibilhan e." Sabi niya at pumasok sa Celine.

"Pumili ka ng babagay dyan sa damit mo! Syempre diba? Itim din." Sabi niya.

Tumingin naman ako sa mga Heels kahit Sandals lang. Gusto ko nga Flat shoes na lang e. Pero naisip ko madaming tao pupunta doon mamaya.

Napahawak na lang ako sa isang 3 inches na kulay itim din na High heels. Ito na nga lang!

"Miss. May size 7 kayo nito?" Tanong ko.

"Okay Ma'am. Check ko na lang po." Sabi nung Sales lady.

Naupo naman ako doon sa mga maliliit na Sofa sa loob ng Shop.

"May alam ka din naman pala sa Fashion." Sabi nung Sungit.

Aba! Kinakausap ata niya ako. Well, pwede na yan! Kesa sa di pinapansin atleast ngayon level-up kesa dati na Snob talaga ako. Kailangan ko bang magpasalamat kay Drea dahil kundi dahil sa kanya di ko makaka-usap at kasama si Zake ngayon?

"Tss. Tingin mo sa akin? Poor kid sa Fashion? Kahit papaano may alam ako no! Di naman ako losyang." Sabi ko.

"Tss."

Ano pa ba? Edi ang Famous line niyang 'Tss'. Sakit sa bangs yan. Buti naman ay dumating na yung Sales lady dala-dala yung sapatos ko.

"Okay na po Ma'am?" Tanong nito. Nag-nod naman ako tutal kasya naman e. Di ko na kailangan pang mag-lakad sa buong Shop para lang malaman kung natatanggal ba 'to o hindi.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon