Chapter 20

2.2K 81 7
                                    

Chapter 20

Nagulat ako, anong ginagawa ni Zake dito? Saka ano ito? Bakit? Teka. Wala akong maintindihan.

"Amielle.." Tawag niya sa pangalan ko.

Gulp. Geez! Tumayo ata mga balahibo ko sa katawan nung tinawag niya pangalan ko. Zake? Why? Ugh!

"Z-zake?" Tawag ko at hinawakan siya sa balikat para alisin siya sa leeg ko kaso masiyadong mabilis ang mga kamay niya at hinawakan ang kamay ko.

"Please? Let's stay like this for awhile."

Ano daw? Ganito daw muna kami? Eh? Aish. Bakit ba pinapahirapan niya ako? Diba bestfriend lang kami, may ganito bang mag-bestfriend?

"Binabaliw mo ko, alam mo ba?" Sabi ko sa kaniya at niyakap siya.

Ewan ko! Kung saan ko hinugot ang lakas na loob para yakapin siya. I missed him! Sa ilang araw kami hindi nag-usap namiss ko siya, walang Zake na nag-susungit sa akin.

"Matagal ka nang baliw Amielle." Sabi niya at umalis na sa harap ko.

Ano? Ganon na lang ulit? Mag-sosorry ulit siya? Hays. Nakalimutan ko, may girlfriend nga pala.

"Ganyan ka naman e." Sabi ko.

"Anong ganyan?" Tanong niya.

"Pag-nayakap mo na ako, aalis ka na lang bigla." Sabi ko.

"Tss." Sabi niya at tinalikuran ako.

Grabe siya. Talagang walang pahintulot 'to sa feelings ko. Well, sana kahit di niya alam na may gusto ako sa kaniya sana kahit minsan makiramdam naman siya. Nasasaktan niya na ako, nakaka-gago siya!

Pinulot ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight. Mukhang kailangan ko pang mag-lakad sa may harap ng mismong mall at humanap ng taxi.

"Come'on." Sabi ni Zake habang nakatayo siya sa mga poste na hindi naman umiilaw.

Madilim pero alam kong siya yon, alam kong nandito paden siya. Hindi naman niya siguro ako iiwan mag-isa dito no?

"Uuwi ka mag-isa o sasama ka sa akin." Tanong niya.

Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. Medyo nauuna na pala ako, nakakatakot naman kasi dito! Pag-ako naging mayor papatayuan ko ng maraming ilaw to! Kung pwede lang gawing maraming ilaw 'to hindi na ako mag-dadalawang isip na gawin 'yun! Baka mamaya delikado dito e! Paano kapag may nangyaring masama sa mga pasahero? Tss.

"Kaya ko umuwi mag-isa." Sabi ko at tumalikod na sa kaniya.

"Kaya mo? Sige. Iwan na kita dito!" Sabi niya at aalis na sana ng hatakin ko ang braso niya.

"Sasama na ako sayo!" Sabi ko at mahigpit na humawak sa kaniya.

"Sasama naman pala e." Sabi niya.

Agad naman niyang kinuha yung cellphone ko at hinawakan ako sa kamay.

Sabi ko nga. Kinikilig ako na hindi ko maexplain. Ay! Ang landi mo Amielle Vianna ah! May girlfriend yang crush mo. Naintindihan mo sana 'yon! Saka. Hindi kayo bagay!

"Bakit kasi ang hilig mong sumakay mag-isa?" Tanong niya.

Parang hindi ko siya narinig, ugh! Nandoon padin yung atensyon ko sa kamay naming dalawa! Gawd. Zake! Why are you doing this to me? You're making me crazy.

"Hey, I'm talking to you."

"Uh, uh! A-ano?" Tanong ko.

"Tss. Kinakausap kita sabi ko!" Sabi niya at pinitik pa ang noo ko.

I pouted.

"Sorry naman na." Sabi ko.

"One pouted, one kiss. What are you going to pouted again?"

Gulp. As in? Ano bang nakain niya?

"H-hindi n-na." Sabi ko at tinakpan pa ang bibig ko.

"Tsk."

Nang medyo makarating kami sa may mga ilaw na ay nakita namin ang sasakyan niya.

"Hop in." Sabi niya at sumakay naman na sa back seat.

Pagpasok ko ay tama nga ang hinala ko, kasama namin si Drea ang girlfriend niya. Kaya pala hindi niya ako pinaupo sa passenger seat kasi andon yung girlfriend.

Parang yung saya at kilig ko ay biglang naglaho. Ayan! Sa kakaasa mo nasaktan ka nanaman.

Di ka talaga nadadala Amielle Vianna.

Nakauwi ako sa bahay na hindi ko malaman yung nararamdaman ko para kay Zake, alam ko may gusto ako sa kaniya since first year pero ano ba yung pinapakita niya sa akin? Ang laking kalokohan naman yan ah. Nakakainis na din.

"May problema?" Napatingin naman ako sa pintuan sa kwarto ko. Si Kuya Vic.

"Wala Kuya."

"Eh, ba't parang ang lalim ng iniisip ng prinsesa namin?" Tanong niya at naupo sa edge ng kama ko.

"Kung paano kami magkakaayos ni Feptz." Sagot ko naman.

"Maiintindihan din ni Feptzam 'yan." Sagot niya.

Sana nga, kuya. Hays!

Incoming call: Joy :)

"Hello, Joy."

["Amielle, naka-uwi ka na ba? Pasensya ha."]

"Hahaha, oo. Ano ka ba? Okay lang 'yon."

"Sino yan?" Tanong ni Kuya.

"Joy." Sagot ko.

"Labas muna ako."

Nag-sign naman ako ng 'okay.'

["Kasama mo pala Kuya mo e."]

"Ha? Hindi, pumasok kasi siya sa kwarto."

["At bakit naman?"]

"Hays, sana Joy pinag-jeep mo na lang ako."

["Bakit? May masama bang nangyari?"]

"Oo."

["Okay ka lang ba? Sorry talaga. Nasa hospital ka ata e."] nag-aalalang sabi niya.

"Tanga, walang nangyari sa akin."

["Maka-tanga. Eh, anong ngang nangyari?"]

"Hinatid ako ni Zake at ni Drea."

["WHAT?"]

Incoming Call: Zake Lupert :>

Omg. Si Zake tumatawag din?

"Ha-hala, hala Joy. Si Zake tumatawag sa akin!!!!!"

Bakit ganon? Bakit ganito epekto niya sa akin. Ugh!

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon