Chapter 30

1.8K 49 4
                                    

Chapter 30

I'm such a bad girl. Hindi ko alam na mangyayari iyon sa amin ni Zake. Bakit ko nagawa yun kahit na alam kong may girlfriend siya? Bakit hindi ko siya malayuan kahit ano pang mangyari?

"Tumigil ka na nga kakaiyak diyan. Ikaw naman kasi e, bakit bumigay ka?" Tanong ni Joy.

"Eh.. Babae lang ako--"

"Oo na, marupok? Pero kahit na Amielle, may girlfriend yung tao diba? Aware ka naman don." Sagot niya.

Aware ako pero nakalimutan ko. Pinukpok ko naman ang ulo ko at tumungo sa table.

"Tss! Kasalanan mo yan, kaya naman panindigan mo. Ano ba yan Amielle! Hindi matapos tapos issue mo." Sabi ni Joy at tumungo na din sa table.

Bumuntong hininga naman ako at pilit inaalala ang nangyari.

"God! Mga walang hiya!"

Napatingin naman ako sa nagsalita. It's Drea! God! I forgot that he has a girlfriend! Im such a bad girl! Napaka-sama kong babae.

"How dare you?" Sigaw niya kay Zake.

Tumalikod naman si Zake sa akin para takpan ako. Sumugod naman si Drea sa amin at saka pinagsasampal si Zake.

"God! Alam kong napipilitan ka na lang saken pero ano to? Sana sabihin mo!" Sigaw niya.

May mga luhang lumalabas sa mga mata niya. Hindi ko mapigilan na hindi matakot! She's really mad.

"At ikaw? Ang kapal mo naman! Alam mong may girlfriend yung tao nilalandi mo! Napaka-walang hiya mo! Ang kati mo! Bakit kay Zake pa? Dahil bestfriend mo siya?" Sigaw niya sa akin.

Inaawat naman siya ni Zake, walang lumalabas na salita kay Zake at pinipigilan lang si Drea makalapit sa akin. Hindi ko mapigilan hindi umiyak.

"Tapos ngayon iiyak ka! Dapat nga ako yung masaktan dito e! Ako yung niloloko niyo!" Sigaw niya.

"Hindi kita niloloko! Walang namang tayo! Stop it Drea! I'm already tired on your game!" Sigaw ni Zake.

Game? Ano yun?

"Sa tingin mo ba nakikipaglaro lang ako sayo? Ha! Zake mahal kita! Sa tingin mo ba sasabihin ko sayo ang bagay na yun kahit alam ko hindi mo ko gusto?" Sabi ni Drea.

"Stop it! Let's go." Sabi ni Zake at saka tuluyan na silang umalis sa harap ko.

Maraming estudyante ang nakatingin sa akin. Napaupo naman ako.

"God! Ang landi talaga niya."

"Nasa loob ang kulo."

"Bitch pala ang gaga."

Hindi ko matake ang pinagsasabi nila pero dahil sa nakita nila, siguro ang sama kong tao para makasira ng relasyon.

"Wag mo ng isipin yun." Sabi ni Joy at inangat na ang ulo.

"Halika na, umuwi na tayo." Sabi niya at tumayo na.

Tumayo naman na ako at kinuha ang mga gamit ko nang may nagbuhos ng juice sa akin.

"Bagay lang sayo yan, bitch!" Sabi ni Cherry at tumawa pa.

"Mga walang hiya! Kayo ba niloko ha? Mga gago to ha! Akala mo sila yung girlfriend ni Zake!" Sigaw ni Joy.

"Hayaan mo na." Sabi ko at nilabas ang panyo ko.

"Anong hayaan? Makabully sayo akala mo mga nobya ni Zake. Mga walang hiya!" Nag-hehesterikal na sabi ni Joy.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon