Chapter 44

1.1K 25 0
                                    

Chapter 44

Nang dumating ang huwebes ay maaga akong naghanap ng masusuot para sa christmas party mamayang gabi.

"May napili ka na ba sa wardrobe mo?" tanong ni Kuya Vincent na ngayon nakatayo sa gilid ng pintuan ko kasama si Kuya Vic.

"O baka naman kailangan mo pa bumili?" singit ni Kuya Vic.

"Hindi ko debut," sabay tawa ko.

"E, kasi naman. Ngayon ka lang ata mag-aayos." Tawang sabi ni Kuya Vince.

"Heh! Lumabas na nga kayo." Singhal ko.

"Ayaw nga namin." Pang-aasar pa ni Kuya Vic.

Napailing na lang ako, hinayaan kong tulungan nila ako sa pamimili ng susuotin ko.

"Ito okay ba 'to?" Tanong ko sabay lagay ng damit sa harap ko.

Isa itong sky blue dress na long back at pa-ekis sa harap ng dibdib.

"Masyadong revealing." Sabi ni Kuya Vince na ngayon nakaupo sa dulo ng kama ko.

"E, ito?" Sabay kuha ko sa isang dress na spaghetti strap at may balloon na pangbaba.

"Mukhang prom ang pupuntahan mo." Sabi ni Kuya Vic.

Damn, kung hindi dahil sa mga Kuya ko siguro mukhang tanga mga susuotin ko.

"Ito, try mo." Sabay bigay ni Kuya Vic ng isang spaghetti strap at backless sa likod, medyo fit naman ang pangbaba.

"Okay na yan. Mukha lang formal." Sabi ni Kuya Vic.

Lumabas naman na ang dalawang Kuya ko para naman makapag-bihis ako. Sinuot ko ang napiling dress at nag-ayos ng mukha.

Nang matapos akong maglagay ng light make-up ay bumaba na ako. Sabi naman ni Zake ay malalate daw siya dahil yung mommy niya ay darating. I really want to meet her.

"Susunduin ka ba?" Tanong ni Kuya Vic.

It's already 4 pm in the afternoon. Umiling ako at inayos ang pouch ko.

"Aalis na ko," paalam ko.

Pinigilan naman ako ni Kuya.

"Nag-away kayo? Ihahatid na kita, baka mamaya kung saan ka pa dalhin ng taxi driver." Sabi ni Kuya Vic.

"Very protective brother." Bulong ni Kuya Vince.

"She's still a minor," sagot ni Kuya Vic.

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Sige na, baka mamaya hindi ko mapatulog ang sarili mo." Biro ko.

Inakbayan niya lang ako at pinatunog ang sasakyan. Nang marating ko ang school ay nagpaalam na ako sa kaniya at sinabing wag na akong sunduin.

"Sigurado kang susunduin ka niya? Are you sure you two didn't fight?"

"Hindi nga, ngayon lang flight ng Mommy niya. Baka doon na lang din ako mag-dinner sa kanila." Sagot ko.

Tumango ito, lumabas na ako ng sasakyan at nasa lubong ko ang dalawa. Si Joy at si Blake. Nilapitan ko ito at binati.

"Mukha kayong ikakasal." Banayad kong sabi.

Sinimangutan naman ako ni Joy. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-white dress ito at mayroong laces sa kaniyang balikat. Habang si Blake naman ay naka-coat lang at may puting v-neck shirt sa loob at simpleng slacks.

"Nag-dadate na ba kayo?" Tanong ko.

Namula naman si Joy. And I finally know the answer. Mukhang nag-liligawan na sila. I'm happy for them, mukhang pinanindigan ni Blake ang nangyari sa kanila.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon