Chapter 2

4.5K 144 7
                                    

Chapter 2

Amielle's POV

Magbabayad na sana kami sa counter nang makalimutan ko kumuha ng ballpen.

"Joy, pabantay naman 'to. Kukuha lang ako ng ballpen." Paalam ko sa kaibigan ko.

Tumango naman ito at kinuha ang aking basket. Mabilis naman akong tumakbo papunta sa mga stall ng ballpen nang makita ko si Zake ay binagalan ko na ang lakad ko. Lumapit naman ako doon at tumingin na din ng ballpen. Nakita ko namang kumuha siya ng supergel na black ballpen kaya ganon din ang kinuha ko. Mas nauna siyang naglakad sa akin kaya naman nang huminto ito ay nauntog ang aking ulo sa kaniyang matigas na likod.

Payat siya ngunit may mga muscles ito sa katawan at halatang nag-gigym. Maybe he is really taking care of his body.

"Hey!" Napatingin naman ako sa kaniya.

"I-I'm sorry again." Sabi ko at pilit siyang nginingitian na panis.

"Tss! Sinasadya mo ata." Bulong nito at saka ako nilagpasan.

Tss! Iniisip siguro nito ay nagpapapansin ako sa kaniya. No way! Oo nga't may gusto ako sa kaniya ngunit hindi ko ugaling magpapansin. Sapat na para sa akin ang makita siya sa malayo.

Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang sinabi at bumalik na kila Joy na hinihintay na ko. Nakita ko namang nawala muli sa wisyo ang kaibigan kong si Feptz. Baliw na baliw siya kay Zake at todo papansin ito sa kaniya. Hindi ako ganon. Sapat na para sa akin ang makita sila.

"Ang gwapo niya, bagay sa kaniya 'yong gupit niya ngayon. Lalo siyang pumuti." Sabi ni Feptzam at titig na titig kay Zake.

Sinuway naman siya ni Joy. "Tigilan mo nga 'yan. Halatang pinag-nanasaan mo yung tao." Sabi ni Joy.

Joy knows I like Zake. Wala naman siyang sinabi. Tanong lang ito ng tanong kung ano daw ba nagustuhan namin ni Feptzam sa kaniya. I don't know. Maybe, uso lang talaga sa ngayon ang pagkakagusto sa mga bad boy image.

"Oh my gosh! I am willing to take him." Sabi ni Feptzam.

Napailing na lang kami ni Joy sa kaniya. Matapos naming magbayad ay nagpagdesisyunan naming kumain sa isang fast food na may clown. Paborito naming ang kumain dito.

"Oh my gosh! Sino 'yong kasama ni Zake?" Tanong ni Feptzam.

Napatingin naman kami sa babaeng kausap ni Zake. Maybe, girlfriend niya? Napangisi ako sa naisip. Girlfriend? Sa ugaling 'yon? Hindi ko alam may romantic cells pala ang lalaking iyon.

"Lubielle Hya, could you please stop it?" Sabi ni Zake.

Kahit mismo sa pag-banta sa babae ay napakaganda ng boses niya. Nakita ko namang nag-pout ang babae at inirapan siya. She's pretty and her name is really suit to her. Lubielle Hya?

I don't know but to feel the pain in my chest. May girlfriend siya? Napaka-swerte ng babaeng ito. He has my Zake. Oh well, atleast Feptzam and I don't have the chance to win his heart.

"Hey, are you alright?" Tanong ni Joy nang mapansin na 'di ko ginagalaw ang aking fish fillet.

Tumango naman ako at kumain.

"Nakakadepress naman." Sabi ni Feptzam at mabilis na sinusubo ang kaniyang pagkain.

Tiningnan naman kami ni Joy at umiling na lang. Pagtapos namin kumain ay nagpaalam na kami dahil dumating ang Kuya ko. Bagong kulay pa ang kaniyang buhok.

"Where have you been?" Tanong ni kuya.

"Here." Sabay turo ko sa isang fast food na nasa tapat namin.

"I'm calling you." Sabi nito.

"Sorry. I'm just busy with my friends." Sabi ko.

Lumapit naman si Joy sa akin. "Akala ko Kuya mong pogi." Bulong nito.

Tumawa naman ako. Mas gusto kasi nila ni Feptzam ang Kuya kong si Victor. Very protective ngunit gwapo naman daw. Hindi kasi ganon ka-gwapo itong si Vince, mung-gago pa.

"Sige na. Bye na!" Paalam ko.

"Thank you sa pagsama kay Amielle." Sabi ni Kuya Vince.

"Walang anuman po, namiss din naman po namin siya 'e." agot ni Feptzam.

Isa-isa ko naman silang hinalikan ni Joy at muling nagpaalam.

Pagkarating namin sa bahay ay nag-aasaran nanaman silang dalawa. Ganiyan talaga sila tapos mamaya nagkakapikunan na.

"Iakyat mo na 'yang gamit na binili ni bunsoy." Utos ni Kuya Victor sa kaniya.

"Utusan ba ako sa bahay na 'to?" Sabi ni Kuya Vince dahil wala na din siyang nagawa.

Tinawan naman namin siya ni Kuya Victor. Serve you right.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon