Chapter 38

1.5K 44 0
                                    

Chapter 38

Matapos naming kumain ay nagyaya na si Zake na bumalik sa classroom. Hanggang ngayon ay wala ako sa aking sarili. Pakiramdam ko ay first kiss ko iyon. Natutuliro akong humawak sa aking labi. Ginawa niya iyon sa public. God Zake, hindi ko alam kung magagalit ako sayo kasi mas pinaparami mo ang mang-aaway sa akin e. Mabilis ang puso ko nang bigla niya akong hinatak papalapit sa kaniya.

"Z-zake, a-ano ba?" Halos napapaos kong sabi.

Tumigil siya sa paglalakad at sinubsob ako sa kaniyang dibdib. Madami pa ding mga estudyante ang nakatingin sa amin. Mas lalong dumami ang narinig kong masasamang salita tungkol sa akin. Masiyadong PDA si Zake. Hindi ko alam kung paano siya mapipigilan. Mahal ko siya masiyado kaya naman sinusunod ko ang mga gusto niya.

"Stop trembling, masiyado kang kinakabahan, baby." Bulong niya at saka ako nginitian.

Kada tinatawag niya akong baby ay nagwawala ang mga mabibilis na pintig ng puso ko. I'd never felt this way before. Ngayon lang, sa kaniya lang. Sumunod naman ako sa kaniya nang kumalma ang puso ko. Kami na ngunit hindi maialis sa sistema ko ito. Nakakainis. Nakakainis kasi hindi ko kayang tanggihan ang mga pakikitungo niya sa akin. Masiyado akong hulog sa lalaking ito. Masiyado nang malalim iyon.

Nang makabalik kami sa classroom ay pinagkakaguluhan nila Feptzam si Joy. Kilala ko si Joy tahimik ito at hindi mapag-patol. Napatingin naman ako sa grupo nila Camille at Cherry na halos pinagtatawanan lang ang kawawang kaibigan ko. Ano bang nasa isip ni Feptzam at pati kay Joy ay ginagawa niya ito? Wala na ba siyang utang na loob man lang para sa kaibigan namin?

"FEPTZAM!" Sigaw ko.

"Ow. This is a war again." Ngiting sabi ni Cherry habang pinaglalaruan ang kaniyang chupa-chups.

"Friendship goals." Natatawang sabi ni Camille.

Hindi ko sila pinansin at maglalakad na sana patungo sa upuan ni Joy ngunit may humawak sa aking siko at pinigilan ako.

"Calm." Bulong ni Zake.

Tumango naman ako.

Kalmado naman ako. Hindi ko lang kayang pigilan ang galit kay Feptzam. Nanahimik siya matapos niya akong lunurin tapos ngayon may ibubuga pa siya? Hindi ko alam ang takbo ng utak niya ngayon dahil sarado ito. Nilapitan ko naman si Joy at nakitang punit-punit ang mga libro niya. Busy si Joy sa pagbabasa kanina. Siguro ay ginulo ito ni Feptzam. Alam ko ang ugali ni Joy, hindi ito nagsisimula nang kung anong gulo dahil ayaw niya non.

"Come on, Joy." Tawag ko sa kaibigan ko at tinulungan siyang mag-ayos ng gamit.

Iyak lang ito nang iyak. Naiinis ako. Naiinis ako dahil hindi ko magawang protektahan si Joy laban kila Feptzam. Dahil mas pinipili kong manahimik na lang para hindi na maulit ang nangyari. Tumayo si Joy at kinuha ang backpack niya. Inalalayan ko naman si Joy ngunit hinatak ako ni Feptzam. Nilingon ko siya.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kaniya.

Hinawakan naman ni Joy ang aking braso para subukan akong pigilan. Ngunit hindi ako nagpapigil. Kailangang matauhan ang babaeng ito sa ginagawa niya.

"Amielle, please?" Halos pabulong na sabi ni Joy.

Tatalikod na sana ako ngunit mas lumakas ang pagkakahatak sa akin ni Feptzam. Binitawan ko si Joy kaya naman lumapit si Zake sa amin.

"Stop it, baby." Awat ni Zake.

"Ang sakit naman. Baby daw oh."

"Zake naman.."

Hindi ko pinansin ang mga kaklase ko at tiningnan na lang si Feptzam nang marahan. Yung tipong walang expression. Blanko.

"Sa susunod wag kang mangielam. Hintayin mo yung iyo." Sabi nito.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon