Chapter 34

1.6K 53 3
                                    

Chapter 34

Matapos ang dalawang linggo naming pag-dadate ni Zake ay masasabi kong masaya ako. He never failed to make me happy all day, mapa-text o personal, hindi ko nga alam na may ganoong side pala si Lupert. Ang buong akala ko ay pagsusungit lang ang buong alam noon. Pero hanggang ngayon ay nandoon pa din ang kaniyang pagsusungit. Hay nako!

"Oh, saan ka nanaman?" Tanong ni Kuya Vince nang makita akong pababa ng hagdanan.

"Kila Zake lang Kuya, pinapapunta kasi ako nung Ate niya." Sabi ko.

Lumabas naman si Kuya Victor sa kusina at may dala-dalang popcorn. "Zake nanaman? Amielle, baka naman nakakalimutan mo pag-aaral mo." Sabi ni Kuya.

Umiling naman ako. Hindi ko naman kinakalimutan yun, sobrang saya ko lang talaga dahil kami na ni Zake, ewan basta ang alam ko, masaya ako dahil nandiyan siya.

"Hanggang 8 pm ka lang ah." Sagot ni Kuya Vince. Tumango naman ako sa kaniya.

"Bye!" Paalam ko sabay lumabas na ng bahay namin.

Tumawag naman ako ng taxi at sinabi ang address nila Zake. How I miss that house. Namiss ko din ang pagsusungit ni Zia sa akin. Paano kaya kapag nalaman niyang kami na ng Kuya Zake niya? Magagalit kaya iyon? Mukhang si Ate Lhubielle naman ay walang problema doon. Nang makarating ako sa kanila ay bumaba na ako ng taxi at nagdoorbell doon sa kanilang malaking gate. Gosh! Napaka-laki ng kanilang bahay para sa kanilang tatlo, siguro ang amin ay wala pa ng kalahati nito.

"Why you didn't tell me na pupunta ka dito?" Tanong ni Zake.

"Hindi naman kasi ikaw pinunta ko dito, si Ate Lhubielle," sabi ko sa kaniya. Sinimangutan lang naman niya ako.

"I thought it was Ate Drea." Sabi ni Zia nang makababa ng kanilang hagdan.

I smile. She really likes Drea. I wonder kung paano nakilala ni Zia iyon. Siguro nakapunta na siya dito. Come on, Amielle, what are you thinking? Malamang nakapunta na siya, kaya nga siya hinahanap ni Zia.

Nagulat naman ako noong may pumitik sa noo ko. Agad ko namang sinimangutan si Zake, kahit kailan!

"Kung ano-ano nanaman iniisip mo, hindi ba? Tss." Sabi nito at tinalikuran ako.

"Ah, eh.. Kase..."

"What? You're going to ask me kung paano nakilala ni Zia si Drea? They met in a coffee shop when I'm with Drea. Drea introduced herself as my girl, until they getting closer to each other." Sabi nito at inilagay ang kamay sa kaniyang bulsa.

I see, kaya naman pala ganoon na lang si Zia kung makahanap kay Drea. Maybe, gusto talaga ni Zia si Drea para sa kaniyang Kuya. Hindi ko naman masisisi si Zia, Drea is the first girl who came to Zake's life.

"Amielle, nandito ka na pala!" Sigaw ni Ate Lhubielle nang makita ako.

Ngumiti naman ako sa kaniya at niyakap pagkababa ng kanilang hagdan. Si Zake naman ay nagpaalam na maghahanda ng makakain para sa amin at tatawagin din daw si Zia.

"Balita ko, sinagot mo daw si Zake?" Tanong ni Ate Lhubielle.

"H-hindi ko po natandaan na nanligaw siya." Nahihiya kong saad.

Nagulat naman si Ate Lhubielle sa sinabi ko. "Ano? Hindi ka niya niligawan? E, paano naging kayo? Ano yun? Sinabi lang na kayo na, ganon?"

Tumango naman ako. "Tinanong ko po."

"Ano?" Sigaw niya.

"Ikaw pa talaga nagtanong? Walang hiyang Zake Lupert, hays!" Dagdag pa niya.

Ngumiti na lang ako at tiningnan si Zia na pababa ng hagdan. She rolled her eyes at me. She really hates me.

"Hayaan mo yan, alam mo namang magkapatid talaga sila ni Zake e." Bulong ni Ate Lhubielle. Tumango na lamang ako.

My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon