Chapter Eighteen

35 2 0
                                    

Chariel's POV

Binuksan ko yung mga mata ko. Puro puti ang nakikita ko. Nasa puting kwarto ako

Biglang kumirot yung ulo ko. Ang sakit.

"CHARI?! GISING KANA?" 

Boses yun ni esa ah? Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita. Agad namang lumapit sakin yung ibang tao dun sa kwarto.

Kaso ang labo ng paningin ko sa kanan kong mata. Teka.. Bakit ganto?

"Esa??? Teka bat lalong lumabo yung right kong mata?!" 

Pano to nanyari? Ganun ba kalala yung pag tusok sakin nung bakal? Pero buti nakakakita pa ako. Pero ang hirap pag di ko magamit yung kanan kong mata ng maayos

"HA?! ANONG MALABO?! TEKA, TATAWAGIN KO SI DOC!!!" 

Tapos lumabas si Esa. May nagsalita na tao sa kanan ko.

"Thank God you're awake"

Si uh... Mio ata yun??

Biglang bumukas yung pintuan ata.

"Gising ka na pala Chariel. Osha, Upo ka tignan natin yung mata mo" Sabi nung doctor

Umupo naman ako saka tinignan nung doctor yung mata ko.

"Malabo ba?"

Tumango naman ako

"Etong right lang?"

Tumango ulit ako

"Ahhh.. Meron kang Unilateral Blurred Vision which means isa lang ang malabo mong mata. I know na meron ka na nito dati pa diba? Pero mas lumala ngayon. Maswerte ka pa nga at di ka natuluyang mabulag. Kaso nga lang you may experience migraines. Well, i recommend you to have glasses for awhile para makakita ka ng maayos. Kakagising mo palang naman kaya ioobserve muna natin yang mata mo. Then pag walang improvement talaga, ooperahan ka namin"

Pano niya nalaman na malabo na mata ko dati? Teka, Si Doc Luz ata to. Family Doctor namin.

"Doc, Ooperahan ako? Takot po ako sa ano.. sa ganyan..."

"Don't worry. You'll be fine. Gusto mo bang mabulag? Dapat agapan na natin yan."

"Alam nanaman to ng mama mo dati pa. I told her na pag lumabo pa yan, ooperahan kana." Dagdag pa ni Doc luz

"Ganun po ba..."

"Osha, Maiwan ko na kayo. Pwede na kayo makauwi bukas na bukas din. tutal gising na si chariel"

"Sige po doc. Salamat po" Sabi ni Jaddie tapos hinatid si Doc sa pintuan

"You okay?"

Napatingin ako kay Mio.

"Yeah. Sorry pinagalala ko pa kayo"

"Sus, dapat lang! nagalala kami sayo noh! makita ka ba naman naming duguan tapos tulog ka ng dalawang araw! Lupet mo!" Lumapit sakin si Lui

"Dalawang araw akong tulog?!"

"Stress ka daw kasi ata tsaka dahil siguro sa pagkakaumpog mo. Masyadong napagod yung katawan mo" -Jude

"Ganun ba.." -Ako

"Gusto mo kumain Cha?" Tanong ni Esa

"Teka, wala bang pasok?" Tanong ko

"Meron" Sabi ni Esa

"Eh bakit kayo andito?"

"Malamang binabantayan ka. Tsaka ngayon lang naman kami umabsent. Kahapon hindi. Kinausap kasi namin yung mga teachers kaya ayun. pinayagan kami. Si mio yung laging andito. Yung ate at kuya mo pumunta na ulit ng manila para magaral tas si yaya jinky kumukuha ng pagkain sa bahay niyo" -Lui

Napatingin ako kay mio. Nakatitig lang siya sakin.

Napansin kong medyo may black sa mukha niya. Kaso di ko gano makita..

From Zero to Bingo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon