"Liham"

828 7 2
                                    

Ang tinta ang s'yang nagsasabi
Nagpapahiwatig sa aking sarili
At nag pinta sa aking mga labi
Bawat bigkas ko'y di napapawi.

Ang bawat titik sa aking liham
Tila babahayan ng langgam
Matatamis na salitang minsan lang
Oh! Kay sarap sa pakiramdam.

Buksan at 'yong basahin
Ang mensaheng bumabagabag sa 'king damdamin
Hawakan ng mabuti bago bigkasin
Baka ito'y liparin ng hangin.

Lapis ang aking sandata
Sundalo ko'y mga salita
Handang ipaglaban ka
Makita ko lamang ang ngiti sa 'yong mukha.

Pakinggan ang bawat tunog
Nang salitang aking handog
Mga letra'y alay sayo aking Irog
Puso ko'y h'wag hintaying sumabog.

Liham ang tangi kong paraan
Upang ipahiwatig ang aking nararamdaman
May kwento ang bawat taludturan
Umaasang di mo 'ko malilimutan kailanman.

-January 10, 2018

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon