Chapter 43 - Nefario's Blackmarket

Start from the beginning
                                    

Sa paligid ay nagkalat din ang ilan sa mga gangmates namin na nagboluntaryo na sumama bilang lookout. Ang Seven Hunters na ngayon ay anim na lang ang naiwan sa Ellipses upang bantayan ang buong headquarters.

"Anong oras na?" tanong sa akin ni Cello.

"Pasado alas singko." sagot ko pagkatingin ko sa digital watch na binigay ni Jace. Hindi namin akalain na isang oras kaming madedelay dahil na rin sa traffic kanina.

Inabot ko kay Cello ang isang baril dahil siya lang ang walang armas sa amin. "Kunin mo na ito."

"Hindi ko kailangan niyan."

"For emergency purposes."

He stubbornly shook his head. "Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng baril."

"Kahit isa lang. Sige na."

Binigyan niya ako ng tingin dahil sa kakulitan ko. Pero kinuha pa rin niya.

Nagsimula na ang parada. Napakaraming tao, isang bagay na ipinagpasalamat namin dahil madali kaming nakakapagtago.

Ako ang nauna sa paglalakad dahil ako ang may alam sa lugar ng blackmarket ng NL7. Nahirapan ako ng konti na tandaan ang daan na tinahak namin noon dahil sa ingay at mataong paligid. Pinilit kong kalkalin ang aking isipan hanggang sa may natandaan akong isang pamilyar na lugar. Nagtungo ako roon. Sumunod sila.

Tulad ng inaasahan ko, maraming lalaki ang nagbabantay roon. Akala mo mga sibilyan lang pero alam ko na sa likod ng butas at madumi nilang kasuotan, nagtatago ang mga baril nila sa bewang.

Nagtago kami sa katabing pader.

"Heto na ba yun Serene?" tanong ni Cello.

"Positive. Sigurado ako na dito kami pumasok ni Joel noon."

Tumingin si Aiden kay Niel. "Tumawag o nagtext na ba si Julian?"

"Oo. Kumpirmado. Nakita raw niya na pinasok sina Kuya Paul at Aziel sa loob ng blackmarket. Marami raw pasikot-sikot sa loob kaya kailangan nating mag-ingat."

"Paano tayo makakapasok sa loob?"

May dumaan na isang truck sa harapan namin, puno ito ng mga taong nakasuot ng costume. May bumaba na isang lalaki mula sa harap. Sa kamay ay may hawak itong papel. Lumapit ito sa isang lalaki at pasimpelng bumulong. Seryoso silang nag-usap.

"Cello naaalala mo pa ang sinabi ko sayo kanina na siguradong ikatutuwa mo?" bulong ko sa kanya.

"Oo. Ano ba yun?"

Sa tabi namin ay may isang grupo ng mga kabataan ang kumakain ng mga meryenda nila. Nakasuot sila ng baro't saya para sa presentasyon nila na alam kong katatapos lang dahil nakita ko sila kanina. Sa likod ng lalaki ay may dalawang mahabang kahoy ng kawayan.

Sinenyasan ko si Cello upang tumingin doon. Dahan-dahang sumilay ang ngiti niya noong mapagtanto ang sinasabi ko. Sinabi namin kanila Kuya Niel at Aiden ang plano.

**

"Teka lang po, teka lang sandali!" pahabol kong sigaw roon sa truck na papasok na sana sa isang pasilyo patungo sa isang tagong pasukan ng blackmarket na iyon.

Tulad ng inasahan ko, may humarang sa amin.

"Sino kayo?" Tiningnan kami ng isang lalaki mula ulo hanggang paa. Ang baro't saya namin ay nangingintab sa mainit na sinag ng araw.

"Kasama po kami roon sa truck na 'yun. Pasensya na po nahuli kami." Ngumiti ako ng napakalaki kahit na ba alam kong hindi naman iyon makikita sa likod ng malaking pamaypay na ginamit kong pantakip sa aking mga labi.

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now