Ngumisi ang lalaki nang mala-demonyo nang magkatinginan sila ni Dr. Morales na nasa labas lang ng pinto ng ospital.

Nagdala ang mga nurse ng isang bakanteng hospital bed at doon ginapos ang babae.

"Was that...Nehemiah?" Tanong ni Dr. Morales nang makalapit sa kanya si William. Nakangisi pa rin itong tumango habang pareho silang nakatingin sa tinutukoy nila.

"They found the Mantis Family in France. Doon sila nagtatago pati pamilya niyan ni Nehemiah.

"Rev's daughter was the one behind the deletion of their legal documents in GOE. Siya lang pala ang nagpahirap sa'tin." Umiiling-iling niyang litanya. Humugot siya ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at inalok muna ang kausap na tumanggi lang, bago niya ito sinindihan.

"That girl is so much like him. Both untraceable. Intelligent. Exceptional. Their existence really are out-of-this-world." Mangha niya pang dugtong bago humithit sunod ay bumuga ng usok.

Tahimik lang na nakikinig si Dr. Morales.

"Is that Smile? Ano'ng ginagawa niya diyan?" Tanong ni William at gamit ang daliri niyang may sigarilyo ay tinuro ito sa direksyon ng dalaga.

Bumuntong-hininga si Dr. Morales bago minasahe ang sintido, "Adolescence. Aalis din 'yan mamaya."

"You fought with her?" 

Tumango siya, "Just a misunderstanding."

"Ilang minuto na lang magsisimula na execution. Baka 'di nagbibiro 'yang bata na 'yan?" Sagot niya.

"Jade's not coming?" Paglihis ng usapan ni Dr. Morales.

"I told her about her mother. Binabaan niya lang ako ng tawag. I don't think she cares---andiyan na sila." Nilingon din ni Dr. Morales ang tinutukoy niya.

Limang sasakyan ang kadarating lang. Bumaba mula sa mga sasakyan ang ilang mga kasamahan ni William kasama ang mga nakaposas na miyembro ng Secret Agency. Tulad ni Nehemiah ay wala rin sila sa kanilang kamalayan.

Sabay no'n ang pagbaba ng mga nurse ng hospital beds at sumunod din ang mga doktor na bitbit ang mga test tubes na laman ay bacteria, at syringes. 

"Here we go..." Natutuwang sambit ni William at mahina pang tumawa. Si Dr. Morales naman ay tumakbo patungo kay Smile at sinimulan na itong ayain na umalis na. Ngunit hindi ito nagpapilit at nanatili sa kanyang salita.

"Charice!!!" Umiiyak na bungad na sigaw ni Krizelle nang makarating siya sa harap ng ospital. Patakbo na sana siya, kasama si Hazaell,  palapit sa higaan ni Charice nang harangin sila ng mga bantay. Tinulak ang dalawa kaya parehong napaupo sa sahig.

"Don't you dare lay your finger on me! I'm the VP's daughter, YOU PEASANT!" Nanggagalaiting sigaw ni Hazaell at dinuro pa ang lalaking nanulak sa kanya. Ngunit wala itong naging reaksyon at tinalikuran lang ang dalawa.

"IF YOU WON'T UNBUCKLE THEM, I'M GONNA CALL MY DAD!" She shouted. Lumapit naman sa kanya si William. Tinapon muna ang sigarilyo sa lupa bago umupo at nakipagpalitan ng tingin sa dalaga.

"Tama pala talaga ang usap-usapan. Kasing bobo mo ang tatay mo---" Agad niyang sinampal ang pisngi ni Hazaell nang duraan siya nito sa kanyang bibig. Hindi naman ininda ng dalaga at 'di rin nagpapigil.

"At tama ang balita na g*** kang h*y*p ka. MAMAMATAY-TAO KANG AN*M*L KA! MASUNOG SANA 'YANG INAAGNAS MONG KALULUWA SA IMPYERNO!" Mura pa niya na may halong panggigigil, sanhi kung bakit marahas na hinila ni William ang buhok niya sa likod ng kanyang ulo.

Tumawa ito nang malakas habang nakatingala bago niya pinanlakihan ng mata si Hazaell na tila hindi apektado at nakipaglabanan din ng tingin.

"'Di lang ako, pati tatay mo kasing hayop ko." Muling tawa ni William, tila wala na sa kanyang katinuan. 

CHOSEN ONES (Revised Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now