"Hayaan mo bebe Kath, I'll treat you like a princess. Dadaigin pa natin si Gino at Mikai ng Princess and I!" Katsumi.

Hindi ako nililigawan ni Katsumi. Biruan lang namin yun. Tinatawag niya kasi akong 'bebe' kapag gusto niya pikunin si Daniel.

"Dami mo alam breg! Asa ka namang may pag-asa ka dyan kay bff! Hahaha!" Lester, sabay batok kay Kats.

"Aray naman! Meron talaga dahil meant to be kami niyan, pareho kaya kaming KAT!" sabay akbay sa'kin. Tawanan na naman kami, pano kasi kung ano-anong pinaggagagawa nitong lalaking 'to. HAHAHA!

"Baduy mo breg! Hahaha!" Si Seth, na nakisali na rin.

Tiningnan ko si Dan kung susunod siya pero hindi, nakatingin lang siya sa akin at nakakunot ang noo.

-______- Dyan ka na sa Jane mo. Dito na lang ako sa friends ko na kaya akong patawanin pag nalulungkot ako. Di tulad mo, bestfriend pa naman kita tapos ikaw ang wala sa tabi ko ngayon. Pano, you're too busy with someone else. </3

Dumaan ang recess at lunch, nag-uusap naman kami ni Dan, kaso parang nagkaka-ilangan, tapos ang KJ niya. Pano, kasama si Jane sa pagkain, tapos may sarili silang mundo. Sarap tinidurin ni Jane! Errrrr. Ang landi niya, akala mo kung sinong matino.

--

Uwian na, at sinabihan ako ni Dan na sabay kaming umuwi.

Nag-alala sa'kin sina Julia pero sinabi ko na magiging ayos lang ako.

"Kat-Kat, may gusto ka ba kay Katsumi?" he finally broke the silence.

Napatingin ako sa kanya, pero siya, sa daan nakatingin. "Huh? Ako? Wala aa."

"Eh ano yung kanina?" tanong niya. Dan, nagseselos ka ba? :""| Sana.

"A-ah. Hahaha! Y-yun ba? W-wala yun, lokohan lang. Sinakyan ko lang pangti-trip ni Kats." sagot ko.

"Ayaw ko ng ganon. Next time, wag ka na ulit papayag na tawagin ka niyang ganon ha?" makaasta naman 'to parang boyfriend ko. Samantalang siya naman, di nakikinig sa'kin. :(

"Why not Dan-Dan? Lokohan lang naman ah? Saka, kaibigan naman natin si Kats, kilala mo naman yun."

"Kahit na. Gusto ko alam ko lahat." hindi niya pa rin ako tinitingnan. Seryoso siya. -__-

"Eh ikaw nga hindi mo pinaalam sa akin eh."

"Ang alin?" O.O narinig pala niya.

"Yung kay Jane." :(

"Kat naman, alam mo naman na yun diba?"

"Eh ano yung kanina? Bakit hindi ko alam? Kagabi sabi mo sa'kin sabay tayo papasok, pero hindi naman pala."

"Intindihin mo naman ako Kat. Nililigawan ko si Jane, syempre siya muna priority ko." AWWW

"Pero yung simpleng biruan namin ni Katsumi, big deal sa'yo? Bakit ako, marami rin naman akong priorities, pero nababalanse ko lahat. Gaano ba kalaking responsibilidad sa'yo ang ligawan yung babaeng yun?"

"Kat, mahal ko si Jane. Intindihin mo naman ako oh."

"Malandi naman yun eh."

"Anong sinabi mo?"

"Sabi ko, mag-ingat ingat ka sa babaeng yun, dahil baka di mo alam may ginagawa na kapag nakatalikod ka."

"Kat, bakit ganyan ka kay Jane? Kung ayaw mo sa kanya, wag mo naman siyang siraan."

"Hindi ko siya sinisiraan, sinasabi ko lang, baka..."

"Hindi niya magagawa sa'kin yun."

"Fine. Edi hindi."

Nakakainis. Akala ko naman kung ano. Puro Jane na lang. Hayyy!

Umuwi ako ng wala sa mood. Tumambay ako sa veranda ng room ko para magpahangin. Pero parang lalo lang akong nalungkot.

Katapat ko kasi yung room ni Daniel. At nakita ko siya na nasa veranda din niya, may kausap sa phone, at masaya. Okay, laslas. -________-

Tinawagan ko na lang sina Julia para makapaglabas ako ng sama ng loob. :(

Matututuhan Mo RinUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum