"Alipin ng Pag-ibig"

776 3 0
                                    


Makita lang kita
Saya sa 'king mukha'y di maipinta
Mga mata'y kumikislap-kislap
Tila ba'y nasa duyan ng ulap.

Ang malagkit mong mga tingin
S'yang nagpatibok sa'king damdamin
Puso ko'y tinangay ng hangin
Nangarap na ika'y makapiling.

Minsan mang nasaktan
Sarili ko'y handa sa digmaan
Ilang beses mang sabugan ng bulkan
Puso mo'y kaya kong itago't ingatan.

Oh! Giliw ko!
Buksan ang iyong puso
H'wag hayaang ito'y magtago
Pagkat puso ko'y nabihag mo.

Malayo man ang tatahakin
Lahat ay kaya kong gawin
Matirik na bundok pilit akyatin
Puso mo lamang ay maangkin.

Para sa'kin ika'y isang banal
Sinasamba't pinagdadasal
Sarili ko'y handang maging kawal
Pagkat ako'y alipin ng 'yong pagmamahal.

- January 4, 2018

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon