8- "Don't Let Me Be The Last To Know"

19 2 0
                                    

-ATHENA'S POV-

"Any plans this sembreak?" bungad ni Christy sa akin

"Ikaw Christy ah. Exams muna atupagin natin! Hindi tayo magkakasembreak pag may bagsak tayo." sabi ko sa kanya habang nagre-review sa MAPEH

MAPEH...alam ko namang madali lang ito. Pero may memorization ng dance steps, dates ng history of music, and paintings. Yan kasi test coverage namin. Killer -_-

"Sigurado naman akong papasa tayo ah. Tsaka ano ka ba," sabay kuha ng MAPEH book ko "wag ka na nga mag-aral. Mas makakalimutan mo lahat!"

Kinuha ko ulit ang libro "Haaay hindi ako nakapag-aral nang maayos kagabi! Hayaan mo nga ako dito. Shoo shoo! Dun ka sa boyfriend mo."

"Sus. Pinaalis din ako eh. Kesyo mag-aaral siya kasi ayaw niyang magkaroon ng bagsak. Ano ba yan guys, minor subjects lang tayo ngayon! English and Filipino lang ang major!"

Napatigil ako at tumingin sa kanya this time "Hoy Christy. Tumitingin ka ba sa kalendaryo ngayon?"

Christy: "Oo. Waegurae?"

Me: "Oh then anong araw ngayon?"

Nag-isip siya bigla.

"ANAK KA NG NANAY MO ATHENA! WEDNESDAY PALA NGAYON! THURSDAY SUBJECTS ANG PINAG-ARALAN KO KAGABI! WOOOOOH SCIENCE PA NAMAN MAMAYA!" sigaw niya pabalik sa upuan niya

Swerte lang niya na Values, MAPEH at Science lang ngayon. Kaso Physics eh. Haaay good luck nalang Christy.

Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko ng naramdaman ko na dumating na yung seatmate ko.

"Good morning." bati niya

"What's so good with the morning?" I replied with sarcasm

ABA ABA KASALANAN NIYA BAKIT DI AKO NAKAPAG-ARAL KAGABI! PINASABOG KASI INBOX KO EH! MABUTI NGA'T DI NAG-HANG KUNDI...HAAAY NAKO!

Tumawa siya "I'm sorry about last night."

Ay nakuha pa niyang tumawa? Aba ang saya niya ata!

"Kung lahat ng kasalanan idinaan sa pagso-sorry, bakit pa may pulis at presinto?" tanong ko

"Hmmm...let me guess. Boys Over Flowers? That's the exact same line of Goo Jun Pyo." he smirked

This is it. He already got on my nerves

"EH PAKE MO BA! KANYA-KANYANG TRIP YAN! WALANG PAKIALAMAN DRE! IKAW NGA BIGLANG NANG-IWAN NA WALANG SABI!"

Oh shoot. I should not have said that.

Natahimik lahat ng classmates ko at napatingin sa amin.

Me: "W-wag niyo kaming pansinin dito, guys. Nagmo-monologue kasi kami. Hehe"

"Monologue? Talaga lang Athena ah?" sabi ng isa kong classmate na si Rowena

Saksi sila sa nangyari sa amin noon. From how we met to ligawan to naging-kami to break-up. Bow

"O-oo nga. Don't mind us! Mag-aral na kayo diyan!"

Christy: "Hoy ngets okay lang kayo diyan?"

Me: "Oo nga sabi eh. Chupi na teh! Pag-aralan mo na Physics!"

Ayun nauto ko naman ang mga classmates ko.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: May 01, 2016 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

The Story Of Us [On-going]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum