6 - "Changed"

88 2 0
                                    

Wala lang. Hindi pa rin ako makapaniwala na magpinsan talaga sila. Haaay

"HAHAHAHAHA Ate grabe ka kanina. Yung ano mo...yung arb mo! Klarong-klaro!" Bridgette

Isa nalang talaga at babatuhin ko na ito ng unan ko. Walangyang kapatid eh. Imbes na tumulong nalang, TAWANAN DAW BA  AKO?!

Pagkalabas kasi namin ni Christy kanina sa banquet hall, sinundan kami ng kapatid ko at ayun na nga. Akala ko tutulungan ako pero tinawanan lang ako.  Tsk.

"Tapos yung ano...yung bilbil mo Ate---"

"Lumabas ka nga! Tse!" akmang babatuhin ko na siya nang kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto namin habang tawa ng tawa.

That spoiled brat. Sheeeesh maswerte siya dahil tinatamad pa akong tumayo. Ang sarap kaya humiga sa beloved bed mo. At dahil parang napagod ako kanina, nakaramdam ako ng antok.

At maya-maya nalang ay nakatulog na ako.

***

"Ate Athena! Gumising ka na!" aish. Ang ingay ng kapatid ko. Kitang natutulog ang tao eh. >_<

Nagpretend akong humilik nang sa gayon ay umalis na siya.

"Ate! Kung hindi ka gigising hihilain kita pababa!" 

Tumalikod ako sa kanya at natulog pa rin. Psh as if kaya niya yon.

Well actually gising na ako. Pero dahil madilim pa, sinusubukan kong bumalik sa tulog.

"ATE! ISA!"

Amp.  Ke aga-aga!

"DALAWA!"

Waaaaaaaah inaantok pa ako. Ayoko pang gumising. Bakit ba? Wala namang pasok ngayon. -,-

"Kapag hindi ka talaga bababa diyan, ako na ang gagawa ng paraan!"

DEDMA. Sheesh. Ano naman kasi ang gagawin niya? Hihilain niya talaga ako pababa? Ihuhulog? Babatuhin ng unan? Tsk. Ang kulit ng kapatid ko.

Maya-maya'y napansin kong tumahimik na ang paligid. Ibig sabihin wala na ang makulit kong kapatid. Pero hindi nagtagal ay may naririnig akong yabag paakyat.

WHATEVER. Haaaay Athena, matulog ka  na nga lang.

"Hoy."

*sundot sa likuran ko*

"Hoy."

*sundot ulit sa likuran ko*

"Hoy."

*sundot na naman*

ISA NALANG. SINO NAMAN KASI ITO?!

"Ho--"

"AYY ANO BA----WAAAAAAAAAH!"

At dahil nabigla ako, nahulog ako mula sa higaan ko. Imagine niyo nalang kung gaano kasakit kung mahulog galing sa double deck hanggang sa sahig. OUCH.

"Aray. Ang pwet ko." ANSHAKET. TT___TT

"Are you ok----"

"HOW CAN I BE OKAY?! ANG SAKIT KAYA! WAAAAAAH!" tumayo ako at pilit na tinutulak siya palabas ng kwarto "LUMABAS KA!"

Sinara ko agad ang pinto paglabas niya. At napasandal ako pinto.

"Anong ginagawa niya dito?" bulong ko sa sarili ko

The Story Of Us [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon