If Only

184K 2.5K 142
                                    

Dedicated to Maetalaid na kinikilig kay Kier. Last dedic request before the game starts. :) 

Kier's POV

Pasado alas-otso na nang gabi nang makarating ako sa casitas namin. Hindi ko kasi namalayan ang oras dahil sa mga business ventures na pinag-uusapan namin ng mga pinsan ko. Sinabihan na din kami ni Lola na bukas na lang kami kumain na magkakasama dahil baka tulog na daw ang iba dahil sa pagod sa byahe. Kung kaya nag-order na lang ako ng dinner namin. Kanina ko pa tinatawagan si Helga pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya.

Nakabukas ang mga ilaw sa salas pero wala akong naririnig na kahit anong ingay. Nagpasya akong umakyat sa taas at tignan kung nasa kwarto sila. Pagpihit ko sa gitnang pintuan ay hindi nga ako nagkamali..dahil nakita ko silang tatlo sa kama na payapang natutulog.  Lumapit ako ng kaunti  sa kamang kinahihigaan nilang tatlo. Nang makalapit ako ay nakita kong nakadapa na natutulog si Joaquin kayakap ang unan. Si Juancho naman ay nakadapa din pero nakadantay ang isang paa kay Helga na natutulog ng nakatihaya.

I cant help but to smile.

Parang nawala bigla lahat ng pagod ko.

Nafocus ang tingin ko kay Helga.

She looks like an angel when shes asleep.

Every actions of Helga..her voice..faces she make when shes irritated.

Everything she does reminds me of my late wife.

If only...

I sighed. Sa mga ganitong pangyayari ko mas lalong namimiss si Johana.

Napagpasyahan ko na lang na huwag silang gisingin dahil malamang pagod sila.

Bigla namang nag-ring ang doorbell. Kaya naglakad na ako paalis sa kwarto at bumaba para buksan ang pintuan.

Hindi nga ako nagkamali..yung ngang inorder kong pagkain yun. Pinalagay ko na lang sa kusina at agad na din naman sila umalis. Umakyat na ako sa kwarto kung nasaan ang master's bedroom.

Nagshower lang ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay...inopen ko na ang laptop ko at nagsimulang magbasa ng proposals. Mabuti na lang at may wifi dito. Kaya pinakabitan ko dito sa casitas namin nang hindi nalalaman ni Lola dahil malamang manenermon nanaman yun pag nalaman niya. Ganon din siguro ang ginawa ng mga pinsan kong workaholic.

pagkatapos ng ilang oras nang may marinig akong pagpihit nang pintuan..i checked my watch for time and its eleven in the evening.

Tumayo ako at akmang bubuksan ko na ang pintuan ko nang biglang nagbukas ito at nakita ko duon si Helga na mukhang nagulat din. Nahihiyang ngumiti ito sa akin.

"Ah..kasi hinahanap ko kasi yung kwarto ko..I guess the next room is mine then." panimula niya... "sorry..naistorbo ata kita.."mahinang paumanhin niya sabay yuko. Napangiti ako sa isipan ko dahil para siyang bata na nahuli sa pagpupuslit ng kendi.

Romancing the NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon