Chapter 1 - No Choice but to fight

576 25 14
                                    

Yoon-Mi's POV

Hi! Let me introduce myself. I'm Park Yoon-mi. I'm 19 years old. 3rd year college.

Sabi nila isa daw akong maganda, matalino, mabait at mabuting kaibigan. Pero para sa'kin isa akong tamad na estudyante at tamad na tao. Hahahaha. At syempre palaban ako.

By the way, eto ako ngayon maagang umalis sa bahay, at naglalakad papunta sa School. Oo naglalakad ako. Kasi yung Car ko, Eh nasira lang naman. Hindi ko pa pinapaayos, nakakatamad..

Hindi rin ako nag balak mag commute kasi nakakatamad rin.. Mas sinipag ako mag-lakad kaysa mag-commute, di ko alam kung bakit?

Anyway, naglalakad ako dito sa isang lugar kung saan sobrang tahimik. Naliligaw yata ako. Hindi ko alam! Sobrang tahimik, nakakatakot..

Nang biglang...

"Ano bang problema mo?" sabi nung lalaking mukhang ewan sa Maputing lalaki.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, diba ikaw ang nag simula nito, kaya tatapusin ko na para sayo" sabi nung maputing lalaki sa mukhang ewan.

At yun, nagsimula na ang rambulan. Naunang sumuntok yung maputing lalaki at natamaan niya sa pisngi yung lalaking mukhang ewan.

Pero syempre hindi ko na patatagalin ang gulong iyon. Nag punta na ako dun sa dalawang nag susuntukun at lakas loob ko silang inawat.

"Hoy, kayong dalawa, magsitigil nga kayo!" sigaw ko.

Nag paawat naman yung maputing lalaki, pero yung mukhang ewan, ayun ayaw mag paawat. Aakma pa siyang manununtok sa'kin.

"Aba! pumapatol ka sa babae ha! Sige tignan natin" sabi ko dun sa bwisit na mukhang tsonggo.

Bago pa niya ako masuntok, agad ko na itong naiwasan. Bago pa siya maka-bwelo ulit, inunahan ko na siya at inapakan ko ang kanyang maduming paa, at ayun duguan. Bakit? inapakan ko lang naman ng aking bagong biling 4.5 inch. na high heels. Hahahahaha. Buti nga sa kanya.

"BWISIT KANG BABAE KA! BAKIT MO AKO INAPAKAN NG HIGH HEELS MONG NAPAGKA TAAS TAAS?!?" galit na tanong sa'kin nung mukhang unggoy na yun.

"Kaya nga High heels kasi mataas! at tsaka Aber! tinatanong pa ba yun? e di syempre una dahil makulit ka, ayaw mong mag paawat. Pangalawa ikaw daw ang nagsimula ng gulo sabi nitong maputing lalaki na'to. At pangatlo muntik mo na akong suntukin. Sa tingin mo tama ba na pumatol sa babae, ha?" pataray na sinabi ko sa mukhang unggoy na yun.

Pero syempre naawa naman ako sa mukhang ewan na yun kaya tinulungan ko. Binigyan ko siya ng PHP. 30,000 pang hospital. Wala na naman akong magagawa eh.

"O ayan, PHP. 30,000. pang gamot mo. baka mamaya mapaano ka pa, makunsensya pa ako." sabi ko sa tsonggo.

"Ay, Miss salamat! kahit papaano mabait ka pala! dapat miss lagi kang maging mabait, kasi lalo kang gumaganda kapag palagi kang mabait" pabola pa nitong asungot na'to.

"Baliw! Sige na lumayas ka na baka mabatukan pa kita nang wala sa panahon" pabiro kong sinabi sa asungot na yun.

"Sige miss! Bye!" at tuluyan nang lumayas si asungot.

Habang papalayo na si asungot may biglang nagsalita.

"Ah, miss salamat pala sa pag-awat sa amin" sabi nung maputing lalaki.

Cute siya ah.. Ang ganda ng mata. Ang ganda ng skin.

"Ano kaba, wala lang yun!" sabi ko sa kanya.

"Ah, miss pwede ba kitang mayaya sa bahay ko bilang pasasalamat sa ginawa mo?" sabi sa'kin ni boy puti.

Aba makapag yaya yata 'tong lalaki na 'to, parang close kami. Pero papayag naman ako. Hahahaha.

Mukha naman siyang mabait eh.

"Ah..sige maaga pa naman kaya pwede pa ako makahabol sa pagpasok" sabi ko sa kanya.

"Sige miss tara na! ito lang naman yung bahay ko kaya hinding hindi ka male-late sa pinapasukan mo."

Ay anu ba yan! akala ko naman napakalayo nung pupuntahan, halos nandito lang pala sa harapan ko.

Pumunta na kami sa bahay niya. Sobrang laki ng bahay niya. Parang Mansion. Hindi siguro parang. Mansion talaga tong bahay niya. Malaki rin naman yung bahay ko pero hindi kasing laki nito.

"Ah..miss, matanong ko lang anong pangalan mo?" sabi sa'kin ni boy puti.

"Ako nga pala si Park Yoon-mi. Ikaw? Anong pangalan mo?" nakapasok na ko sa bahay niya pero ngayon palang namin naisipang tanungin to sa isa't-isa.

"Ako nga pala si Yang Yoseob. Nice to meet you!" sabi niya sabay ngiti. Ang cute niya kapag nakangiti.

"Nice to meet you din" sabi ko.

So Yoseob pala ang pangalan niya. Nice name. Maganda.

"Ah.. Yoon-mi saglit ah, maghahanda lang ako ng makakain natin." sabi ni Yoseob.

"Sige.." halos yun lang ang nasabi ko. kasi natutulala ako. Hindi kay Yoseob. Sa bahay ako natutulala. Ang ganda eh.

Halos 15 minutes bago matapos si Yoseob sa paggawa ng makakain namin. Juice at Cookies. Yun ang kakainin namin. Infairness mukhang masarap.

Habang kumakain kami ay nagtanong-tanong ako tungkol sa buhay niya..

"Yoseob, ilan kayong nakatira sa bahay na'to? ang laki kasi eh. Imposible naman na ikaw lang nakatira dito" napaka laki nitong bahay niya. kaya sobrang imposible talaga na siya lang ang nakatira dito.

Nilulunok pa niya yung kinain niya kaya bago siya mag salita ay uminom muna ako ng juice..

"Ako lang" sabi ni Yoseob. ah.. siya lang pala.

"PFFFFFTT!!" nabuga ko ang iniinom kong juice sa kanya nang marealize ko ang sinabi niya.

"Bakit mo ko dinuraan ng juice?!?" gulat na sabi ni Yoseob.

"Ay.. Sorry. Hindi ko sinasadya, nagulat lang naman ako dun sa sinabi mo na ikaw lang ang nakatira dito.." sabi ko.

"Ok lang. Alam ko naman na hindi mo sinasadya eh ^^" sabi ni Yoseob.

"I-ikaw lang ang nakatira sa napakalaking bahay na'to? Eh yung magulang mo? Nasaan? Kung may kapatid ka? Nasaan?" hindi talaga ako makapaniwala na siya lang ang naktira sa napagkalakilaking bahay na'to.

"Oo, ako lang talaga ang nakatira dito. Yung mga magulang ko palagi silang umaalis kasi palagi silang may business trip sa ibang bansa. At nag-iisa lang nila akong anak, kaya naisip ko na magpagawa nalang ng sariling bahay, palagi lang naman din akong mag-iisa eh" kaya pala nag-iisa siya kasi palaging wala sa tabi niya yung mga magulang niya.

"Nakakalungkot naman yang kwento ng buhay mo." sabi ko.

"May tanong pa ako, saan ka nag-aaral?" sabi ni Yoseob.

"Ah.. ako? Nag-aaral ako sa Roseau University. Puro babae lang ang nag-aaral dun. Eh, ikaw? Saan ka nag-aaral?" sabi ko.

"Sa Kingston University ako nag-aaral. Saamin naman puro mayayaman lang pwede mag-aral" medyo mayabang din pala tong lalaking to.

Mayaman din naman ako pero ayaw lang talaga akong pag-aralin nila Mommy sa school na may kasamang boys. Kumbaga, gusto lang nila ng All Girls School. May dahilan kung bakit ayaw nila akong pumasok sa school na may boys.

Patuloy parin kaming nag-kukwentuhan hanggang sa umabot na ng ilang oras.

"Ah.. Yoon-mi tanong ko lang--" hindi ko na pinatuloy pa ang sinasabi niya dahil nakita ko sa may orasan ko na male-late na'ko sa school kaya agad na akong tumayo at nagpaalam sa kanya.

"Ah.. Yoseob, mauna na ako ah. Male-late na kasi ako sa school eh. Sige, Bye!"

Hindi ko na siya hinintay pang mag response kaya umalis na ako agad sa bahay niya at nag madaling maghanap ng masasakyan. No Choice na ako kailangan ko na talagang mag-commute. At ayun, kung sinuswerte nga naman. May nakita naman akong masasakyan kaya agad na akong nakaalis at nakarating sa School ko.

***

A/N: Picture po ni Yoon-mi ↑↑↑

Lots of Love ❤ Saranghae!

He's A Cross Dresser (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon