HySE <3 Epilogue. Happy yet Sad Ending

649 3 2
                                    

Epilogue

Masakit para sa amin ang pagkawala ng aming pinakamamahal na princess, ang Althea Mary Andrea Joy Bautista ng buhay namin.

Minsan talaga ang buhay nakakainis. Hindi natin naiintindihan ang mga pangyayari pero tandaan natin na kahit ano pa man ito ay kailangan natin lumaban kung kaya pa, at tanggapin kung kinakailangan.

Hindi ibig sabihin na malungkot tayo sa pagsisimulang ating araw ay magiging malungkot pa rin tayo sa pagtatapos nito. Kung gugustuhin natin na sumaya tayo sa ending ay kailangan wag tayo huminto kapag napagod tayo at ipagpatuloy pa rin natin an gating paglaban.

Hindi rin nangangahulugang Masaya tayo sa pagsisimula ng araw ay Masaya na tayo sa pagtatapos nito. May mga bagay talaga na nangyayari na kahit pigilan man natin ay mangyayari pa rin. Hindi natin kaya iwasan pero lagi natin tandaan na kailangan pa rin natin lumaban.

Sa pagkawala ni Drey, marami kaming umiyak, marami ang hindi makapaniwala, at marami rin ang nasaktan. Hindi ko nga rin akalain na ngayon ay mawawala nap ala siya sa amin. Marami pa kaming mga plano na alam ko na gusto niya talaga magkatotoo, kaya hindi ibig sabihin na wala na siya ay kakalimutan ko na ito. Gagawin ko lahat matupad lang ang mga gusto niyang mangyari.

Ngayon na wala na siya pipilitin ko mag move on pero hindi ibig sabihin nito na kakalimutan ko na siya. Susubukan ko ulit buksan ang puso ko para sa panibagong pag-ibig pero hindi ibig sabihin na mawawala na siya dito. Dahil kahit ano ang gawin ko bahagi na ang akin MyPrincessDrey sa buhay at pagkatao ko.

Malungkot kaming lahat sa mga nangyari, pero Masaya pa rin kahit papaano dahil buo ang pamilya ni Drey ngayon at nakasama niya ang mga taong malapit sa kanya bago siya mawala. Siguro nga ito ang kanyang tinatawag na …

Happy yet Sad Ending

“Author’s POV”

Yahooo!!!! Again I finish another story at kahit medyo di katanggap-tanggap ang ending ay sana magustuhan niyo.

Thanks for reading wattpaders!!!

Like...............................Vote.......................................Comment................

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon