HySE <3 10. basketball

455 1 0
                                    

This Chapter is for all the KathNiel [JazzEa or AlTine], KathLil [ArThea or AlNel], and KathQuen [DarThea or AlWin] fans that reads this story. Thank you for your support guys!!!

Para naman sa mga naghihintay ng part ng JuliEgo [CheRyan or RySka], I think I'll post it before the KathNiel  [JazzEa or AlTine] chapter.. I'll only make one or two chapter for them.

Thank you guys and God bless...

PS: Vote and Like for the next chapter!!!

==================================================================================

"Althea's POV"

*fast forward*

Friday na naman, nasa eskwela na ako. Marami ang nangyari for the past days. Noong Sunday ay gaya nga ng napag-usapan ay nagbonding kami nina mommy, daddy, ate Cheska, at ng kambal. Nagsimba kami, nanood ng sine, nagmalling, kumain sa ressto, at gumala sa park. Pagkagabi ay umalis na rin si Kuya Ry papuntang Manila, hindi muna sinama si Gelay kasi sabi nina tatay at nanay na patapusin na muna ng finals at hindi rin umuwi ng bahay si Gelay.

Noong Lunes tanghali na dumating si Gelay at lasing ito, kaya di na muna namin kinausap.  Hindi nga siya pumasok sa klase eh. Si PJ rin hindi pumasok. Tinanong ko si ku- TJ, kung asan yung kapatid niya, sabi niya naman hindi raw umuwi ng bahay nila kagabi. Sinamahan rin pala ako ni TJ na pumunta sa NBS kahapon, kasi nga nanliligaw na siya. Alam na rin ng pamilya ko ang panliligaw niya sa akin.

Noong Martes, hapon na pumasok si PJ, si Gelay naman sinubukan kong kausapin pero di ako pinansin. Si Gelay at PJ rin ay hindi nagpapansinan, ang laging kausap ni PJ ay si Barbie. Kinakausap naman ako ni PJ pero hindi na gaya ng dati. Kailangan ko makausap yung lalaking yun!!

Noong Myerkules at Huwebes naman ay wala naman masyadong nangyari nun maliban sa hindi pagpansin ni Gelay sa akin. kinakausap ko siya sa bahay pero di niya lang talaga ako pinapansin. Sabi naman ng mga kapatid ko ay hayaan ko na mun raw si Gelay. Ganun rin ang sabi ni DM, Nel, TJ, Kuya Ry, PJ, at Ate Cheska, hayaan ko raw muna na makapag-isip siya.

Ngayon naman ay Byernes na at next month ay Finals month na. March na kasi. Kaya kailangan ko na magreview. Nagawa na rin namin yung research paper namin sa English, ipapacheck na lang namin yun kay Sir ngayong Monday.

"Tulala ka ata diyan Althea?" napalingon ako sa nagsalita. Nandito ako ngayon sa canteen kumakain. Sina Ate Cheska, TJ, at PJ pala kasama si Barbie. "Pwede ba kaming umupo?"

"Tsk. Umupo na nga kayo. Mabuti naman at sumabay ka ngayon sa amin PJ?" Umupo na nga sila. Si TJ sa right side ko, si Ate Cheska naman sa left. Tapos si PJ at Barbie sa tapat ko.

"Asan si Angel, Drey?" tumungo lang ako pagkatanong ni TJ. "Tsk. Di pa rin kayo nag-uusap. Hayaan mo muna yun, kakausapin ka rin nun pag-okay na siya."

"Babe, di muna ako sasabay sa'yo. Nagtext kasi parents ko." sabi ni Barbie at tumayo na siya. Nag nod lang si PJ at yumuko. Napansin niya sigurong napatingin ako sa kanya. sila na nga siguro. "Maiwan ko muna kayo."

"Sige ingat ka, Barbz." sabi ni PJ ng hindi lumilingon kay Barbie at tumingin lang sa akin. Umalis na rin agad si Barbie.

"So, hiwalay na talaga kayo ni Gelay??" panimula kong tanong kay PJ. Yumuko lang siya. "Okay lang yan PJ. Naiintindihan ko kung bakit kayo naghiwalay."

"Sorry talaga, Althea. Nagkagulo pa kayo dahil sa relasyon namin." sabi ni PJ. Nginitian ko lang siya.

"Tama na nga muna yang drama niyo. Kain na muna tayo." pagputol ni TJ sa kadramahan namin ni PJ. "Alam mo Drey, si Cheska text mate si Ryan."

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon