HySE <3 5. Princess, wake up!

529 4 0
                                    

"Althea's POV"

"Princess, wake up." narinig ko ang isang pamilyar na boses habang ramdam kong niyuyogyog ako. "Princess, its already late. You need to wake up."

Sino ba itong gumigising sa akin ngayon at nag-e-english pa? May pa princess princess pang nalalaman, tss si mommy lang kaya pwede tumawag sa akin nun. Maaga pa din naman di ba? Di pa nga tumutunog ang alarm ko eh. Hindi ko pa rin dinilat ang aking mga mata.

"Princess, wake up!" boses ni mommy?? Umuwi ba siya kagabi? "You're dad is already at the airport." niyuyogyog pa rin niya ako.

Tama ba pagkakarinig ko sa kanya?? Si dad nasa airport na? Eh diba Thursday pa lang ngayon? Akala ko ba Friday pa uwi ni dad?? Tss. Baka nananaginip lang ako, kaya di ko muna talaga dinilat ang mga mata ko.

"Princess, wake up. You're dad will get angry if we won't go to the airport now!" napadilat na agad ako ng mata ng sabihin yun sa akin.

"Atlas!! You're awake !!" sabi ni mommy sa akin pagkadilat ng mata at bumangon rin ako agad. "It's so hard waking you." pagrereklamo niya pa.

"Mom, wag po muna kayo mag-english. Akala ko po ba Friday pa uwi ni daddy?" Minsan naiinis ako pag si mommy gumigising sa akin, panay kasi english niya eh.

"Fine. Bumangon ka na diyan. Pinaaga ng dad niyo ang pag-uwi niya dahil sinabi kong may field tip yung kambal bukas. Kaya bilisan mo na at kanina pa naiinip yung dalawa sa baba at yung dad mo ay nasa airport na." pagkasabi nun ni mommy napabalikwas agad ako ng bangon. Dali dali kong kinuha ang towel ko at pumasok sa banyo. Sumigaw na lang si mommy na sa baba na sila maghihintay sa akin.

Mabilis pa sa mabilis lang naman akong maligo eh, kaya wala pang 15 minutes ay tapos na agad ako. Nagbihis na rin ako agad at bumaba na. Naabutan ko na sila sa may sala na nakaupo. Pagkakita nila sa akin ay tumayo na sila  agad.

"Tagal mo ate!" pambungad sa akin ni Tine.

"Ganda ng good morning mo sa ate mo Tine ha." sarcastic kong sabi sa kanya, habang nagbeso kay Tian at sa kanya syempre. Nag roll eyes lang siya. Minsan talaga may pagkabastos itong si Tine, lalo na pagdating sa akin. "Hoy! Wag mo akong ganyanan ng mata mo! Baka gusto mo dukutin ko yan.."

"Tumigil na nga kayo. Bilisan na natin naiinip na yun si daddy." pag-awat sa amin ni Tian. Sa tuwing natatalo kami ni Tine si Tian ang referee namin. Tumawa na lang si mommy at nagdiretso na kami sa kotse. Syempre si Tatay Ben ang nagdrive. Si nanay, Gelay, at ang ibang maids naman ay naghanda ng pagkain.

Ang ingay namin sa van. Si mommy ay kausap si Tian tungkol sa field trip nila bukas. Ako naman at si Tine ay nagtatalo. Si tatay Ben ay pinatutog ang isa sa mga favorite song ko na kinanta ng One Direction, ang One Thing.

Mabilis naman kaming nakarating sa airport. Hinanap na agad namin si daddy. Si tatay Ben ay nagpaiwan na lang sa van. Nakita namin si daddy na nakatayo sa may exit ng Airport kaya nilapitan na namin agad siya.

"Daddy.." sabay naming tawag kay daddy, maliban lang kay mommy. Lumapit agad kami sa kanya at niyakap siya. Syempre, namiss rin naman namin si dad. 2 weeks kasi siyang nawala eh.

"Honey.." sabi naman ni mommy at kiniss siya ni dad sa cheeks. "How was your trip, hon?."

"Tiring. So, let's go? I'm hungry." sabi ni dad, kaya lumabas na kami agad sa airport at pinuntahan na si tatay Ben na naghihintay sa van.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon