HySE <3 17. Her Birthday

466 1 0
                                    

HySE Seventeen

"Althea's POV"

"Good morning!!" sigaw ni Ate Che ng makababa na siya, naka pink na inner swimming bra-blouse siya na sinapawan ng manipis na sphagetti blouse na kulay sku blue at white, naka short lang siya. Nandito na kami sa sala ng bahay at naghahanda dahil gagala kami ngayon. Habang naghahanda kami, pinag-uusapan namin ni TJ ang tungkol sa amin. April 8 na ngayon kaya ibig sabihin April 16 monthsary namin ni TJ. "Ang aga niyo atang naglalandian your highness!!!"

"Pwede ba Ate Salty, wag kami asarin mo. Dun ka na nga kay Kuya Bitter." Asar ko sa kanya. Tumawa lang si TJ.

"Whatever!!" Madali talagang mapikon si Ate Che, kaya ayun pumunta na nga kay Kuya Ry. Sina DM, Nel, at PJ ay umalis at di raw sasama sa amin, mag hahanap raw sila ng mga babae nila. Si Bea at Jacob naman ay di raw sasama sa amin dahil maghahanda raw sila para sa party mamayang gabi. Birthday ni Bea ngayon remember? Si Lolo Ramon naman ay nadun sa mga kaibigan niya.

"Ang pikon talo!!!" pang-aasar pa ni TJ kay ate, nagroll eyes lang siya. Tinulungan na niya si Kuya na mag-ayos ng gamit nilang dalawa.

"Wag niyo na nga asarin si Salty, you highness. Bilisan niyo na dalawa diyan wag na muna kayo maglandian." Isa pa itong si Kuya eh, kanina pa kami inaasar.

"Yan lang ba susuotin mo Princess?" tanong ni TJ sa akin. Umiling lang ako. "Bihis ka na dun, aalis na tayo." Kaya umalis na ako at bumalik sa kwarto para magbihis. Pink sando-blouse ang sinuot ko at nakashort lang rin. After ko magbihis bumaba na ako.

Sumakay lang kaming apat ng tricycle patungo sa Enjoy Summer Resort na pagmamay-ari rin ng pamilya ni TJ. Maganda ang place at maraming tao. Isa siyang lugar na may beach at pool.

"Zorb tayo!!" sigaw ni Ate Che na halata namang excited. Tumango lang kaming tatlo. Nagbayad kami sa nagbabantay pero di niya tinanggap dahil di na raw kailangan ni TJ dahil sila may ari nito kaya lumapit na kami agad sa bola na malaki na nakalagay sa pool.

"Ikaw na mayaman Jazz." asar ni Kuya Ry kay TJ bago pumasok sa loob ng bolo. Kaming apat sa iisang bola na mas malaki kesa dun sa ginamit ng iba. Nilagyan ito ng hangin at sinara na.

Nagsimula na kaming apat sa paglalakad para mapagalaw ang bola. Ako at si Ate Che palaging nadadapa kaya naman pinapatayo kami ng dalawang boys. Tawa lang kami ng tawa sa loob, hanggang sa malapit na kaming umabot sa dulo ng pool at lumabas na ng bola ng.................................

*Prrrrroooooooooooooooooooooooooottttttttttttttttttttttt* Nagpasabog si Kuya ng isang napakalakas ng kanyon!!!! Napatakip agad kaming tatlo ng mga ilong namin at nakisali rin si Kuya sa pagtakip ng ilong niya.

"Prince........matagal.....pa....ba....tayo.....lalabas?...." paputol-putol kong sabi dahil sa nakatakip pa rin ako ng ilong ko. Pero kahit na katakip na ako ay naaamoy ko pa rin ang bomba ni Kuya.

"Malapit....na...." simpleng sagot ni TJ habang takip rin ang ilong niya. Tama nga siya, nakarating na kami agad sa dulo ng pool at binuksan na ng nagbabantay ang bola at dali-dali kaming lumabas.

"Ano ka ba naman Bitter, papatayin mo na kami?? Ang sama ng amoy ng bombang pinaputok mo!!" pagrereklamo ni Ate at tinanggal na namin ang mga kamay namin sa aming ilong.

"Eh, di na nakapaghintay eh. Pasensya na!!" sagot ni Kuya kaya nagtawanan na kaming apat. Sobrang baho talaga ng utot ni kuya, parang patay na daga na sinamahan ng bagoong at mabahong kili-kili ang amoy ng utot niya!!!

"Kuya, itapon mo muna yang laman ng tiyan o at baka sumabog na naman." pang-aasar na sabi ko sa kanya, at nagtawan kaming apat. Hindi kasi madaling mapikon si Kuya Ry eh, kaya nagkakalokohan kami.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon