HySE <3 1.

747 7 1
                                    

"Nanay Cora, andito na po kami." sigaw ko ng makarating kami ni Gelay sa bahay. Saktong ala-singko na pagkadating namin.

"Puntahan ko lang si nanay sa kusina, Andi." sabi ni Gelay sa akin, at dumiretso na siya sa kusina. For sure, ala pa si daddy, pumunta kasi siya sa Makati, may pasyente daw doon. Yung kambal naman, eh dumiretso pa yun kay mommy sa kompanya. Sinundo pala kami ni Tatay Ben. Makaakyat na nga muna sa kwarto para makapagbihis na ako.

Pagkadating ko sa kwarto ay naghanap na agad ako ng masusuot. Short na maong na hanggang tuhod at loose na t'shirt lang yung sinuot ko. Tapos bumaba na ako ulit. Pagkababa ko, nakita ko na agad si nanay at Gelay na naghahanda ng makakain.

"Gandang hapon po nay." at nagmano na ako kay nanay. At umupo na sa upuan ng mesa.

"Joy, tumawag ang mommy mo kanina, sabi niya hindi raw siya makakauwi dahil kailangan niyang mag-overtime. Ipinasundo ko na lang kay tatay Ben mo ang mga kapatid mo." si mommy talaga. Workaholic masyado si mommy, pero every Sunday, hindi muna yan magtratrabaho, para lang makasama kami. Ganun din si dad. Kumbaga every Sunday ay family day namin.

"Gelay kain ka na." tawag ko kay Gelay at umup[o na siya sa tapat ko at kumain ng loaf bread with peanut butter at uminom ng juice. "Kain na rin po kayo nay."

"Wag na anak. Tapos na kami kanina." si nanay Cora na ang tumayong ina namin magkapatid sa tuwing wala si mommy. Tapos si tatay Ben naman ang tumatayong ama namin. Matagal na sila dito sa amin Simula pa noong bagong kasal pa si mommy at daddy.

"Tumawag po ba si daddy sa inyo?" tanong ko ulit sa kanya.

"Oo, sabi niya baka Friday night pa raw siya dadating." sagot sa akin ni nanay. "Sige maiwan ko muna kayong dalawa ha, may gagawin pa ako sa kusina. Ela, pagkatapos niyo kumain iligpit mo yang pinagkainan niyo."

"Opo nay." at umalis na si nanay. "Andi, gwapo pala yung kapatid ni PJ noh. At mabait pa." nakangiting sabi ni Gelay.

"Oo gwapo siya, pero di ako sigurado kung mabait. Di pa naman natin siya nakakausap eh." hindi kasi ako madaling magtiwala sa mga tao. Kinikilala ko muna, bago ko sabihing mabait o masama siya. Mahirap ng maloko noh!.

"Mabait naman siguro yun, kasi mabait rin si PJ eh."

"Hindi porket magkapatid eh, magkatulad na ng ugali noh."

"Sabagay. Pero, aminin mo, crush mo yun noh?" crush??? EEh, alam naman nitong babaeng to kung sino crush ko eh,.

"Hindi noh. Kahit may itsura siya, hindi niya kayang lagpasan si Mr. Cutie." next time ko na lang irereveal yung real ng name ng crush ko, baka kasi malaman niya.

"Asus. Mr. Cutie ka diyan. Pero, infairness ha, mabait talaga ang Mr. Cutie mo." at nagtawanan na kami ni Gelay. Paluan.. Harutan... Ganito lang talaga kami mag bonding. Para ko na rin kasing kapatid itong babaeng to eh. Mas matanda ng 4 na buwan si Gelay kesa sa akin.

"Ate Ali, we are here." narinig kong sigaw mula sa sala. I think boses yun ni Tian.

"Nandito kami sa dining area." sigaw ko. Nag-usap kami ulit ni Gelay, but this time hindi na tungkol kay Mr. Cutie. "Gelay, bbakit hindi na lang ikaw ang sumali sa science and math quiz bowl bukas?" may gaganapin kasi na contest bukas sa school. Mangangailangan ng isang first year at dalawang second year.

"Eh, sino bang mas matalino sa atin pagdating sa science at math? Eh, di ba ikaw? Kaya ikaw na lang ang sumali."

"Good afternoon mga ate." at humalik si Tine sa pisngi namin ni Gelay.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon