HySE <3 15. The Graduation and Fiancee

452 2 0
                                    

HySE Fifteen

"Althea's POV"

Nagkakagulo na kami ngayon dito sa bahay dahil sa paghahanda sa pagrampa ng dalawa ko kapatid sa graduation nila. Si nanay Cora ang escort ni Tian at si tatay Ben naman ang kay Tine. Taga picture lang naman ako. Yung parents namin ang agang tumawag kanina at nagcongrats sa dalawa. Wala si Angel dahil lumipad na siya kagabi patungong Manila. Si Ate Che ang nagmake-up kay Tine. nandito na rin sa bahay sina TJ, Nel, DM, at PJ.  Si Kuya Ry nasa labas inaayos ang sasakyan.6:00 am na at 7 raw magsisimula ang graduation. Nakakain na naman kaming lahat.

"Tara na!" sabi ko kaya lumabas na kami. Pagdating namin sa school nila ay marami-rami na rin ang tao. 

"Ate, kinakabahan ako." sabi ni Tian habang hawak ang papel kung saan nakasulat ang kanya valendictory address. Opo, valedictorian po ang kapatid ko. Tinap ko lang siya sa balikat. 

"Ate, nabasa mo na naman yung welcome address ko diba? Wala namang mali diba?" Isa pa itong si Tine. Siya kasi ang salutatorian ng klase nila.

"Ano ba naman kayong dalwa, wag kayong kabahan ok?" sabi ko sa kanila. "Nay, tay, pasok na po kami dun."

"Ate, ikaw mag suot ng medalya ko please." sabay na sabi ng dalawa, Tumango na lang ako. Pumasok na kami sa loob.

Inalalayan ako ni TJ papasok, yung dalawa tinotoo talaga na ihihinto muna ang panliligaw nila sa akin. Nakaready na rin kaming pito para sa lakad namin mamaya, iniwan na nila ang mga bag nila sa bahay.

"Now let us start the 10th Commencement and Graduation Ceremony of blah blah blah..." pagkasabi nun ng MC ay nagsimula ng maglakad ang mga gagraduate. Syempre nauna ang aking dalawang pinakamamahal na kapatid, at dahil suportive kami ni Ate Che ay nagsimula na kaming kumuha ng picture. 

Matagal din bago natapos ang pagpasok ng mga graduates. After nun ay nagdasal, kinanta ang Lupang Hinirang at pinaupo na kaming lahat.

"Now let us welcome the class 2011-2012 Salutatorian for her welcome address, Ms. Henry Christine Mary Angela Bautista." pagkasabi ng MC ay tumayo na si Tine, pero bago umakyat sa stage ay tumingin na muna sa amin. Nginitian na lang namin siya.

"blah...blah....blah..... I welcome you all." nagpalakpakan na naman kami. Umupo na rin si Tine. Marami akong picture na kinuha sa kanya.

Nagsalita na naman ang MC. May mga nagmessage pa at kung ano-anong pang echos.

"Now to hear his valedictory address, may I call on Henry Christian Mark Angelo Bautista, the class valedictorian." tumayo na si Tian. Nagsimula na naman kami ni ate Che sa pagkuha ng picture. Nagthumbs-up rin sina DM, Nel, PJ, at TJ kay Tian, ganun rin kami ni ate.

"blah.....blah...blah.... Stepping down on this stage, living my alma mater, and this graduation day, doesnt mean to an end but a beginning for us to work more harder. Once again, thank you and God bless." Nagpalakpakan kaming lahat matapos ang message ni Tian. Si Tine at ang iba pa nilang kaklase ay nagsitayuan din.

May mga echos na naman.. Hanggang sa awarding of medals and certificate na. Gaya nga ng gusto nila ako ang naglagay ng medalya nila sa pagiging honor, si TJ naman sa academic awards, si DM sa extra curricular awards nila, si Nel sa pagiging best in Math ni Tian at pagiging best in Science ni Tine. Si Kuya Ry naman sa pagiging best in English ni Tian, si ate Che sa pagiging best in Aral. Pan ni Tine. Si Nanay naman sa pagiging SSG awardee ni Tian si Tatay naman kay Tine. Si PJ rin ang umakyat at naglagay ng CAT award nilang dalwa. Marami pang medalya na nakuha yung kambal.

At sa wakas, TAPOS na ang graduation. Nagpicture ng kaunti at umuwi na kami sa dahil nga lilipad na yung mga plain namin. Pagkakuha ng aming gamit ay pumunta na kami sa airport.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon