HySE <3 Beginning

1.1K 7 8
                                    

 Please visit http://www.facebook.com/unpredictablefe and hit like, to see pictures related to my stories here in wattpad.com

Like..............Vote......................Become a Fan...

Thank you and God bless

===========================================================================

"If you want a happy ending, that depends, of course, on where you stop your story." sabi ko sa mga kaklase ko habang nagtatalo sila tungkol sa happy ending. "And if we stop our stories, during times that we feel tired, then it will really be a sad ending. "

Ako nga pala si Althea Mary Andrea Joy Anderson-Bautista, 16 years old. May 2 pa akong kapatid si Henry Christian Mark Angelo at si Henry Christine Mary Angela, kambal sila, 15 years old. Anak kami nina Andrei Evans-Bautista at Henny Louise Jhonson-Anderson. Yung mother ko ay isang business woman, she managed our company. 38 years old na si mommy. Si daddy naman ay isang doctor, he is the head doctor of of our hospital. 49 na si daddy. Nakatira kami sa bahay namin sa Davao. Meron rin kaming bahay sa Makita, sa Cebu, sa Korea, at America. Hindi namin madalas makasama sina mommy at daddy dahil busy sila masyado sa work. Magkasundo naman kaming magkapatid.

First year college na nga pala ako. Si Tian at Tine eh, fourth year high school pa lang. I have my own car na, pero di ako ang nagmamaneho dahil underage pa ako. Sa University of Southern Philippines ako nag-aaral, Bachelor in Secondary Education major in English ang kinuha ko. Siguro, nagtataka ang ilan kung bakit sa public school ako nag-aaral, eh kaya naman namin ang tuition sa mga private school. Actually, ayaw nina dad na sa public ako kaso, ako yung may gusto nito, kaya pumayag na lang sila. Grumaduate ako ng High School as a Veledictorian. Public school ako, yung kapatid ko naman ay sa private. Ngayong college, ako ang class mayor. Ako rin ang nangunguna sa Dean's List, pero di naman ako nag-apply kasi nga kaya naman ng parents ko bayaran ang tuition. Magaling ako sa math, science, social studies, at filipino. May talento rin ako sa pag-awit, pagsayaw, at pag-aacting.

May isa lang akong kaibigan na babae, siya ay si Angel Sebastian. Katulong ng pamilya namin ang nanay niya at driver ko naman ang tatay niya. Magkababata kami ni Angel. Siya yung palagi kong kasama sa eskwela at sa paggala. Siya rin ang pumapangalawa sa akin. Vice mayor siya ng klase at magaling sa english. May kapatid rin siyang lalaki, si kuya Christian Ryan. Malapit naman sila sa isa't-isa at malapit din ako kay kuya. Wala si kuya sa bahay, kasi dinala siya ni dad sa Makati, para siya ang magbantay ng bahay doon, doon na rin siya nag-aaral.

Kung tatatanungin naman ang love life ko????.... Single po ako. Okay lang naman kay mommy na magkaboyfriend, basta wag lang kalimutan ang pag-aaral at dapat alam ang limitasyon. Kay dad naman, kung kaya raw pigilan na wag muna eh, yun yung gawin. May mga nanliligaw naman sa akin. Isa na dito ay si Darwin Marlon Patrimonio, anak ng kaibigan ni mommy. Nililigawan rin ako ni Arnel Sanchez, anak ng kasamang doktor ni dad. Kahit isa dun sa dalawa, wala ring nakapagpatibok ng puso. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanila. Si Darwin, eh astig masyado. Si Arnel naman masyadong hangin. Iisa lang naman kasi talaga yung lalaking nakakapagpatibok ng puso ko at yun ay si... secret na muna.. Ipapakilala ko na lang siya sa inyo next time..

Mahilig akong kumain, magluto, maglaro ng ball games, mahilig ako magswimming, magbasa ng iba't-ibang libro, magtwitter at  magfacebook, mahilig rin akong magpost ng mga stories sa wattpad, gusto ko ring mag movie marathon kapag nabobored ako,  at higit sa lahat gumala kasama ang mga kapatid ko, parents ko, at si Angel. Hindi ako mahilig sa make-up, shopping, at magtext.

Naniniwala naman ako sa happy ending eh, pero hindi gaya ng paniniwala ng ibang mga girls. Kasi para sa akin,  wala naman talagang totoong pagtatapos eh, ito lang yung bagay kung kailan natin tatapusin ang ating estorya, at kahit may mga bagay na nagtatapos, eh hudyat lang naman ito ng bagong pagsisimula.

Nandito nga pala ako ngayon sa room namin. Nagkakagulo ang mga kaklase ko dahil sa statement ng teacher namin sa english, tungkol sa happy endings.

"Ms. Bautista, do you believe in endings?" tanong sa akin ni sir, matapos kong magsalita.

"No sir." diretsa kong sagot sa kanya. Maraming kaklase ko ang umimik at umangal sa sagot ko.

"But why not?." tanong ulit ni sir.

"I don't believe in endings sir because, I consider endings as a beggining." at ngumiti ako kay sir.

"Then, do you believe in live happily ever after?" tanong niya ulit.

"NO sir, because no one ever does live happily ever after.  There were happines and people do live, but not ever after." sa sinabi ko, nag-imikan na naman ang mga kaklase ko.

"Thank you Ms. Bautista." sabi ni sir sa akin at pinaupo na niya ako..

-kkrrriiiiinnngggg-

"Thats all for today class. Class dissmiss." sabi ni sir at inayos na niya ang mga gamit niya.

"Bye sir." sigaw ng mga kaklase, ngumiti lang si sir at lumabas na ng room..

"Infairness Andi, maganda sagot mo ha." sabi sa akin ni Angel pagkalabas ni sir.

"Oo nga Thea. Napabilib mo kami sa sagot mo. Pang beauty pageant." sabat ni JP.

Si JP pala ay kaibigan namin ni Angel na lalaki. Ang tunay niyang pangalan ay Jazzper Ryan Santiago. JP tawag namin ni Angel sa kanya. Kaklase rin namin ni Angel itong si JP, simula pa noong elementary. Siya ang first honorable mention noong fourth year. Hindi rin siya mayaman. Yung nanay niya ay labandera at nagbabatay ng tindahan. Yung tatay naman niya ay isang magsasaka. Mabait si JP, hindi siya gaya ng iba naming mga kaklaseng lalaki.

"Ano, punta na tayo sa science room natin." sabi ko sa kanila, at tumayo na kaming tatlo. Yung iba kong mga kaklase ay nagsialisan na rin.

Habang naglalakad kaming tatlo may nakabanggang lalaki si Angel. Hindi kasi tumuingin sa nilalakaran eh.. Yan tuloy.

"Sorry miss." sabi nung lalaki habang tinutulungan si Angel na pulutin yung mga gamit niya na nalaglag..

"Kuya." narinig kong sabi ni JP dun sa lalaki pagkatapos nitong pulutin ang gamit ni Angel.

"Una na ako bro, malelate na ako sa next class ko." sabi nung lalaki, at tumakbo na siya.

"Tara na" yaya ni JP sa amin, kaya nagsimula na kaming maglakad. Nakalimutan ko na tuloy itanong kung sinu yung lalaki kanina, kasi nagkaroon kami ng quiz sa biology. Tapos nagkaroon ng quiz sa math.

Ng pauwi na kami ni Angel, nakasalubong ulit namin yung lalaki.At dito nagsisimula ang aking kwento:

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana po ay magustuhan ninyo angh kwentong ito. Kung gusto niyo pong isuggest kung sino ang mga model sa estoryang ito. Just leave a comment na lang. Marami pong salamat sa mga babasa at bumabasa ng aking estorya. Sana po ito ay magustuhan ninyo.

Please leave a COMMENT (suggestion, correction, addition, at reaction), kung pwede rin po eh, VOTE po kayo.. pwede na rin po yung LIKE, at be a FAN....

Once again po THANK YOU VERY MUCH!!!

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon