aHySE <3 24. We will miss Her!

516 2 0
                                    

HySE Twenty four

Isa linggo na ang nakalilipas mula noong tampuhan namin ni Tj, at simula nun ay mas naging malimbing na si TJ sa akin. Madalas siyang sa bahay natutulog pero di kami tabi ha! Doon siya sa kwarto ni Tian. Ngayon ay sabay kaming dalawa na babalik ng Davao, nauna na sina Kuya Ry, yung kambal, at si Beanca, si Jacob naman ay sasabay sa amin ni TJ. Nandito na kaming tatlo ngayon sa plane. Si TJ at ako ang magkatabi at si Jacob naman sa likod namin. Nakaputi na blouse/T-shirt at short na green ako, at si TJ naman ay naka black na t-shirt at pants. Dala ni TJ ang Teddy Bear na nakasuot ng batman shirt na regalo niya sa akin at ang red na gift bag na naglalaman naman ng regalo ko sa kanya dahil monthsary rin namin ngayon, ako naman ay dala ang black bag ko.

"Everyone fasten your seat belt cause we are now echoss echoss at Davao airport." pasensya na medyo bobo ang author at hindi alam ang sinasabi kapag lumalapag na ang plane. Sinunod naman namin ang sabi at nag suot na kami ng seat belt. Ng makalapag na ang eroplano ay bumaba na kami agad, inalalayan pa nga ako ni TJ, eh.

"Cooouuuuzzzzz, dito!" napalingon kaming tatlo sa tumawag sa amin, sina Ate Cheska, Kuya Ry, DM, ate Kim, Nel, Aria, PJ, Barbie, Angel, Janus, Tian, Tine, at Beanca pala. Lumapit na kami agad sa kanila, si Jacob niyakap agad si Beanca.

"Ehem!" pag-epal ni TJ kaya naman napabitaw agad si Beanca at Jacob sa pagyayakapan nila. Yumakap agad si Beanca sa kuya niya. "Akala ko di mo ako na miss. Hoy ikaw RJ di mo ba ako yayakapin?"

"Kuya naman eh." tanging nasabi ni Beanca.

"Ang drama mo Kuya!" sabi ni PJ na nakiyakap na rin sa kanila. Bumitaw naman sila agad. "Ano saan tayo didiretso?"

"Pagpahingahin kaya muna natin sila noh?" sarkastikong tanong ni DM kay PJ. Hinarap na naman niya kami at yumakap sa akin. "I miss you Bambina."

"Ehem!" napabitaw na naman kami dahil umepal na naman si TJ. Ang hilig atang umepal ngayon ng lalaking to.

"I miss you too DM." saad ko kay DM, at nginitian si TJ. Tinaasan lang niya ako ng kanyang kilay.

"Princepessa, namiss kitaaa!!!" sabay akap ulit ni Nel sa akin. Mas lalong tumaas ang kilay ni TJ at hindi na lang ehem ang ibinigay niya sa amin, kundi pinaghiwalay na niya talaga kami.

"Ang seloso mo ata ngayon Jazz." komento ni Kuya Ry na tatawa-tawa pa. "Ano saan na tayo pupunta?"

"Pwede muna ba kaming magpahinga?" sabat naman ni Jacob.

"Mamayang gabi ka na lang magpahinga Kuya Jacob, gala na muna tayo." sagot naman ni Tian na nakangiti pa.

"Oo nga kuya, namiss ko na ring gumala dito sa Davao eh." sabat rin ni Tine, kaya naman gumala na muna kami.

"Mabuti naman at nakakaya mo pang gumala Gelay kahit na buntis ka." sabi ko kay Gelay. Simula kasi noong nagsorry siya sa akin ay naging maayos na kaming dalawa. Hindi man maibabalik ang dati pero atleast nagiging okay na kami. "Inaalagaan ka ba ni Janus?"

"Oo nga eh nakakaya ko pa naman. Si Janus pa, eh bantay sarado nga ako sa kanya eh. Maraming bawal." tatawa tawang sagot ni Gelay sa akin. Kung akala niyong gumala kami ng magkakasama eh, nagkakamali kayo dahil hinati kami. Ang nanyari ay girls bonding at boys bonding.

"Kayo ni DM, ate Kim kumusta naman?" pag-uusisa ko ulit kay ate Kim.

"Maayos naman. Magkaibigan lang kami ni Win2x." nakangiti nitong sagot. Di pa pala sila.

Happy yet Sad Ending [HySE &lt;3 KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon