Just Call me Donna

2.6K 19 4
                                    

Chapter 1

Donna Pov

"Ma, tama na, nasasaktan ako". nag iiyak na ako sa sakit dahil sa pagsasabunot nya sa buhok ko.

"Dapat lang syo ang masaktan, lumalandi ka dun pa sa libre!" galit na sabi ni Mama.

"Ma, wala po akong ginagawang masama. Nag uusap lang po kami ni Albin. Kaibigan ko lang po sya." hawak hawak ko ang buhok ko para mbawasan ang sakit ng ulo ko.

"Hindi ka talaga tumatanda! Di ba ang sabi ko wag kang makipag usap sa mga lalaki."

"Ma---"

"Ah! sasagot ka pa!"

"Aray! Ma! tama na. Nasasaktan ako."

"Nasasaktan ka pala? Bakit di mo ako sinusunod?"

"Ma, kaibigan ko lang po sya!"

"Kaibigan ba yang pahampas hampas ka pa sa braso ng lalaking yun habang tumatawa! Ang sabihin mo malandi ka!"

Mas lalong hinigpitan ni Mama ang paghila sa buhok ko sabay kurot ng manipis sa hita ko.

Ganyan ang ugali ni Mama. Sinasaktan nya ako kapag hindi ko sinusunod ang gusto nya.

Ayaw nyang akong nakikitang masaya.

Hindi na nga ako nakapag tapos ng high school dahil sa putol putol na pag aaral ko. Kung saan saan kami pumupuntang lugar ni Mama. Pito kaming magkakapatid at ako ang panganay.

Ang trabaho ni Mama nung kabataan nya? Nagbebenta ng aliw. Yan lang ang alam ni Mama na trabaho kasi grade 4 lang ang natapos nya. At dahil matanda na sya ay tumigil na si Mama sa ganyang trabaho. Walang asawa si Mama dahil walang lalaki na nagseryoso sa kanya.

Sa edad kong 16 binebenta na ako ng Mama ko. Labag man sa kalooban ko ang pinapagawa ni Mama pero anu ang magagawa ko? Masasaktan lang ako pag di ko masunod ang gusto nya.

"Ayusin mo ang sarili mo, mamayang hapon makikipagkita ka kay Mr. Agoncillio."

"Ma, ayoko ko na" naiiyak na naman ako.

"Hindi pwede, nakipag deal na ako, nakuha ko na ang downpayment nya. "

"Ma, ikaw na lang, isa pa matanda na yun.. bagay kayo Ma..."

"Tumigil ka sa kaartehan mo Donnabelle, magpahinga ka na, ihanda ko muna ang tanghalian natin." sabay talikod ni Mama.

Pumasok na ako sa kwarto. Di ko lubos maisip kong bakit ganito ang trato nya sa akin, parang di nya ako anak.

Nakatulog ako sa kaiiyak. Ginising na lang ako ni Mama para kumain kasama ang anim kong kapatid na puro lalaki. Mabait naman si Mama pag sinusunod ko ang gusto nya, maasikaso sya sa aming magkakapatid. Mahal ko ang mga kapatid ko kahit na iba iba ang tatay namin.

"Donnabelle, maghanda ka na kasi aalis tayo ng maaga, mga kapatid mo na dyan magligpit ng mesa." sabi ni Mama.

Pinagpatuloy ko ang ginawa ko. Kunyari wala akong narinig.

"Donnabelle!!!" pinagdilatan na ako ni Mama ng mga mata nya.

"Opo, sandali lang. Maliligo lang ako." inis kong tinatikuran si Mama.

"Sige na Ate, kami na bahala dito, baka saktan ka uli ni Mama" sabi ni Elmer, bunsong kapatid ko.

Tinagalan ko ang pagligo, ayoko talagang sumama kay Mama. Naiinis ako sa buhay ko, gusto kong magalit sa kanya. Ganito na lang ba ako? Malulubog sa putikan? Ano na lang ang kinabukasan ko? Di ko namalayan umiiyak na naman ako.

Nagulat ako sa malakas na katok ni Mama sa punto ng banyo.

" Anu ba! Late na tayo! Bilisan mo na!" sigaw uli ni Mama.

"Opo Ma, matatapos na po ako." mahina kong sagot.

************

White Sand Resort

Dito kami napunta ni Mama, may kalayuan din ito sa syudad. Mahigit isang oras kaming nagbyahe, dito ako iiwan ni Mama para makasama ako ni Mr. Agoncillio. Nakaupo ako sa single couch sa waiting area ng Hotel. Maganda ang Hotel and Resorts nila, mukhang nasa 4 star pag ako ang mag rate. Sa dinami dami ba naman na hotel na napasukan ko na, alam ko na ang itsura ng mamahalin at murang hotel.

Naka pink sando top and short shorts lang ako. Ganun ka simple ang suot ko at naka black flat shoes. Kitang kita ang makinis at mala porcelana kong kutis na nakakaagaw pansin di lang sa mga lalake kasama na ang mga babae. Di ako payat di rin mataba, sabi ng mga nakakita sa akin, perfect daw ang katawan ako. Mahaba ang kulot kong buhok hanggang baywang, blonde ang kulay nito na kuha ko daw sa Papa ko na Chinese. Di ko kilala ang Papa ko, lahat kaming makakapatid ay di namin alam kung sinu sino ang Papa namin, yung mga kapatid kong lalaki ay may mga itsura at tisoy. Ang galing talaga nga Mama ko pumili ng lalaki. Sa edad kong ito di halata na minor lang ako dahil sa tangkad at katawan ko. Madalas nga akong pinagkakamalan na dalaga na.

"Donnabelle, iwan na kita, balikan kita dito bukas, pagbutihin mo ang pagtatrabaho ha. Mahal ang bayad nya syo kaya kailangan ma satisfy sya sa gagawin mo". bilin ni Mama.

Tango lang ang sinagot ko sa kanya. Ibinaling ko ang tingin ko dagat. Inabot ni Mama ang shoulder bag ko na may laman na mga gamit at nagmamadaling umalis.

Habang hinihintay ko ang Mr. Agoncillio na sinabi ni Mama sa akin ay di ko maiwasang mag-isip kung papano ko sya matatakasan. Marami na rin kasi akong tinakasan na mga customers lalo na pag wala ako sa mood mag entertain sa kanila at higit sa lahat pag matanda katulad ng Mr. Agoncillio na ito, naawa lang ako sa sarili ko. Pakiramdam ko aping-api ako sa nangyayari sa buhay ko.

Just Call me DonnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon