"Dyan lang? San banda?" Sabi niya pumunta muna ako sa stove at kinuha ang niluto ko. Naglagay ulit ako ng bago.

"Bakit gusto mong malaman? Nako Luigi ha tahimik na ang buhay ko mas masaya na ako ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Masaya daw." Ella murmured and Luigi smiled to me.

"Punta ka sa kasal namin ni Ella ha. Ikaw ang maid of honor niya." Sabi ni Luigi at ngumiti lang ako sa kanila ng pilit.

"San ka na ba kasi? Nasa US ka ba Ly? Mukha kasing malamig eh." Sabi niya pa at tinignan ko naman siya.

"Pupunta ako sa kasal niyo pero wala nang dahilan para malaman mo kung nasaan ako."

"Babe san ba kasi yan? Magbakasyon naman tayo dyan mukhang maganda oh." Sabi ni Luigi at tumawa naman si Ella.

"Sorry babe pero hinding hindi sasabihin yan ni Alyssa sayo."

"Ayusin niyo na kaya yan Alyssa. Ang tagal na din naman eh."

"Wala ng aayusin. Matagal naman ng tapos." Sabi ko and smiled to them.

"Ang sarap niyong batukan dalawa. Alyssa masaya na kami ni Ella ikaw kailan ka?" tanong ni Luigi.

"Masaya kaya ako. Masayang masaya ako no. Nung umalis ako sa buhay ng kaibigan mo mas naging masaya ako." sabi ko at tumawa naman si Ella.

"Eh paano naman si Kiefer? Umuwi ka na dito para maging masaya na ang lahat." Sabi niya pa.

Magsasalita na sana ako nang...

".....Mommy, I'm so hungry na po." si Lia.

"What the fuck! May anak ka na? May asawa kang iba?" Sunod sunod na tanong ni Luigi.

"Sorry kailangan ko ng umalis. Ella sige na." Sabi ko at hindi ko na hinintay ang sagot nila. Napahawak naman ako sa ulo ko.

"Mommy you okay po?" Lia said and smiled to me. Binuhat ko naman siya at hinalikan sa pisngi. "I love you mommy ko." Sabi niya pa at napangiti na ako.

Lia is really sweet. Gusto niyang laging hinahawakan ang buhok niya at ayaw na ayaw niya kapag kinukurot ang pisngi niya mga bagay na nakuha niya kay Kiefer. Lahat na lang kay Kiefer.

"And I love you so much baby. Mahal na mahal kita." Sabi ko at humilig naman siya sa balikat ko.

Lumapit ako sa stove at kinuha na ang pancake doon. Karga karga ko pa din si Lia ayaw na niyang bumaba. Ganito din siya dati. Gusto niya lagi siyang binubuhat.

"Yay!!" sabi niya at nagpababa na umupo naman siya at sinimulan ko ng lagyan ng nutella.

"This is your last sweet for this day okay?" I said and she nodded her head. I kissed her forehead.

~~~~

Pumasok ako kaagad sa cafe at nagpalit ng damit. Kakatext lang sa akin ni Wilna na nakauwi na daw sila ni Lia naggala silang dalawa.

"Alyssa hurry up! We have a lot of customer." My manager said I nodded.

Halos takbuhin ko ang papunta sa cashier at nagulat nga ako na marami kaming customer ngayon.

Ngumiti ako at nagsimula ng magtrabaho.

Ilang oras din ang lumipas bago kumonti ang tao.

Nakayuko ako at inaayos ang lagayan ng resibo ng may dumating na customer.

"Excuse me, Miss."

"Good evening Ma--." Nawala ang ngiti ko at tinignan siya ng seryoso.

"Alyssa? Oh my gosh!! Hon!" Si Laura at tinawag pa si Von na nakaupo na pala at may kasama na cute na batang lalaki."Oh my gosh!! Ikaw nga." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now