"Probinsyana"

830 5 0
                                    


Buhat ng ako'y bata pa
Pangarap kong makapunta ng Maynila
Gusto kong makita kung gaano ito ka ganda
Tulad ng mga sinasabi nila.

Nang isama ako ng aking Ina
Sumakay kami sa isang napakalaking bangka
Di ko lubos inaasahan
Iyon pala ang aming sasakyan.

Nang masilayan ko ang Maynila
Namangha ako sa kakaiba nitong ganda
Gusto ko na tuloy tumalon sa malaking bangka
At hayaang iwanan ang aking Ina.

Tumuloy kami sa bahay ng aking kapatid
Bahay nila'y kapareho ng bilibid
Di ko alam na ang aming kinakainan
Ay sya ring aming tutulugan!

Napakahirap pala ng buhay dito
Di tulad sa probinsya naming malayo sa gulo
Dito konting problema
Naku talagang patay kang bata ka!

Isang araw pumunta kami ng Quiapo upang magsimba
Pagkatapos namasyal kami sa Luneta
May nakita akong pamilyar na istatwa
Pag lapit ko, ako'y namangha. Wow! Si Jose Rizal Pala!

Di ako makapaniwala sa mga naglalakihang gusali
At di ko inaasahang magulo pala dito sa City
Naisip ko tuloy bumalik na agad ng probinsya
Mas maganda pa ang buhay at malayo sa disgrasya.

- May 2008

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoWhere stories live. Discover now