Chapter 83: Do you love me?

Start from the beginning
                                    

napalingon kami kay Jamielle. Andito na pala sya, usually kasi magha-hi sya agad sa Kuya nya pagdating pero ngayon nakakapagtaka na wala yata syang energy mangulit?

"Jamielle"

"oh, h-hi kuya.. Ate Ash.. A-ahmm. Akyat lang ako"

"Jamielle halika muna dito"

hindi nya pinansin kuya nya, nagmamadali na syang umakyat. Umiiyak ba sya? Parang yung boses nya kasi iba tapos hindi pa sya makatingin ng maayos samin.

Pagkalingon ko kay Daniel halatang worried na yung mukha nya ngayon at hindi nya inaalis yung tingin sa may hagdan.

"anong nangyari kay Jamielle?"

"si Vince"

"Anong si Vince?"

Imbis na sagutin ako, iniwan nya ko at tumakbo sa hagdanan. Ano bang meron? Anong kinalaman ni Vince? Wag mong sabihing... No way! Hindi naman sila nagbreak diba?!

Sinundan ko na sya at nasa pinto palang ako rinig ko na yung paghagulgol ni Jamielle saka pagsigaw sakanya ni Daniel.

"Sumagot ka kasi Jamielle! Naiinis na ko! Ano bang nangyari sayo?! Ano ba?! Si Vince na naman ba?!"

iyak lang ng iyak si Jamielle. Pumasok na ko kahit alam ko na hindi na dapat ako makielam.

"wag mo kasi syang sigawan! Pano ka nya sasagutin ng maayos kung inaaway mo sya?"

"hindi ko sya inaaway! Kuya nya ko, Ayokong nakikita syang ganyan!"

oh? Bakit sakin naman sya nagagalit ngayon?! Halatang halata na galit sya. Naka-close na nga yung right fist nya. Parang any moment, sabihin lang ni Jamielle kung sino yung dahilan ng pag-iyak nya, susugurin na nya agad.

"kahit na! Hindi parin tama na sigawan mo sya!"

umupo ako sa may kama at hinimas yung likod ni Jamielle. Tinignan ko lang sya ng masama. Nakatayo lang kasi sa harap ko, at feeling ko kinakalma na nya sarili nya.

"Jamielle, nagwoworry na kami ng kuya mo. Ano bang nangyari sayo?"

"ate Ash! W-wala na kami ni Vince"

napayakap sya bigla sakin. Parang natameme ako sa sinabi nya. Ako naman tuloy yung hindi makapagresponse.

Bakit?

Ayokong isipin na ako yung dahilan.

"Pupuntahan ko sya"

"no!! Kuya wag! I broke up with him! It's my decision. I'm the one who wants it." natigilan na kami ni Daniel. "Ate Ashley alam mo naman na Idol kita diba? Unang kita palang natin gusto na kita. Ang bait mo kasi, ang gaan ng feelings ko sayo. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit mahal na mahal ka ng Kuya ko"

napatingin ako kay Daniel. Parang nahihiya pa syang tumingin sakin dahil sa sinabi ng kapatid nya. Alam ko namang mahal nya ko, kaya ang hirap hirap para sa akin na saktan sya.

"Hindi narin ako magtataka kung bakit mahal ka parin ni Vince kahit na alam nyang si kuya yung mahal mo"

Lub.dub.lub.dub

ang higpit ng yakap nya sakin. Bakit ganun? Nasasaktan ko na nga si Daniel, pati ba naman sya? Ako parin yung dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon. Bakit parang lahat nalang ng malalapit sakin nasasaktan ko? Si Trisha, si Vince, si Daniel, hindi ko naman gustong masaktan sila ng dahil sakin.

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now