"Pusong Mapaglaro"

678 7 0
                                    


Sabi nila mapaglaro raw itong aking puso
Di marunong magmahal ng lubos at totoo
Maraming puso ang pinaiyak at binigo
Gusto nga'ng isumpang maging bato.

Di ko naman ginustong maging manhid
Ngunit puso ko'y minsan ng ginapos sa lubid
At pilit tinatakasan ang mga balakid
Ganunpaman sadyang kay lupit sa'kin ng paligid.

Kaya sana'y h'wag mo akong sisihin
Puso ko'y kailangan mong intindihin
Di ko sinasadyang ika'y lokohin
Hangad ko lamang ang ika'y iibigin.

Sa dami ng aking pinagdaanan
Di ko makita ang sikat ng kalangitan
Puso ko'y lubos na nasaktan
Nang minsa'y umibig ngunit nabuhusan lang ng ulan.

Kung ako'y iibig mang muli
Gusto ko sa taong tunay at di makasarili
Sa isang butuing matagal ko ng minimithi
Sana'y mga puso nami'y dapat ng nakatali.

Hangad ko lamang ang lumigaya
Ngunit tila mailap sa'kin ang tadhana
Kung ikaw kaya?
Puso mo'y mapaglaro din ba?

- January 2006

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon