Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pagkukwento ni Ella. Nagising lang ako sa mga halik ni Kiefer sa pisngi ko.




"Wake up, baby! I miss you already." Sabi niya pero tumalikod ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin at pagyakap niya.



"I'm still sleepy, babe. Mamaya na please." Sabi ko at kinuha ang kamay niya at mas niyakap ito sa akin.




"Hindi na masyadong mainit babe. You will enjoy the sea." Sabi niya tapos siniksik ang mukha niya sa leeg ko.




"Hoy!! Ano to!? Bakit sa kwarto ko pa kaya nagkakalat ha!?" Nagising na ko ng tuluyan ng marinig ko si Ella.



"Besh, ang ingay mo naman eh." Sabi ko at tumayo na din si Kiefer.



"Besh! Ikaw ha may kasalanan ka pa sa akin sa pagtulog mo kanina habang nagkukwento ako ha. Kaya tumayo ka na gusto ko na maligo sa dagat." Sabi niya at hinila ako patayo. Ewan ko ba para akong walang gana, gusto ko lang matulog ng matulog.



"Mauna na ako ha. Besh please lang huwag mo masyadong galingan." Bilin pa ni Ella at natawa naman ako sa paalala niya patungkol sa susuotin kong swimsuit.




Nag-ayos lang ako sa bathroom namin ni Kiefer at hinintay niya naman ako bed namin pagkatapos nun pinuntahan na din namin si Ella. Nagulat pa ako ng makita na may kausap si Ella pero more on kasagutan niya yata.


"Babe? Si Ella yun diba?" I asked kiefer at tumango naman siya at mas binilisan namin ang paglalakad.




"Pwede ba!! Stop pestering me! I don't want to talk to you. Ayaw kita makita!" Narinig pa namin na sigaw ni Ella.




"Besh? Bakit ka ba sumisigaw?" Napasinghap ako ng lumingon ang kausap niya sa amin.



"Bro?" Kiefer said and Luigi just smiled to him.


"Anong ginagawa mo dito?" I asked him.



"I'm here to attend my cousin's wedding." Luigi said napatingin naman ako kay Ella na masama pa din ang tingin kay Luigi.



"Ganon ba? Hindi mo to nasabi sa akin bro." Kiefer said and touched my hand. "Kailan ka pa nandito?"


"Biglaan din kasi bro. Last week pa kami dito alam mo naman si Mama ang daming gustong gawin at pinagbigyan ko na nagtatampo pa yun sa paglayas ko." Sagot ni Luigi kay kiefer. "Hindi na din tayo nagkita pa ulit."


"Ang tagal mo na pala dito. Naging busy kasi sa office ang daming kailangan gawin." Sabi ni Kiefer.



"Paano mauna na ko sa inyo ha. Alam ko naman na ayaw ako kasama nung isang tao dito eh." Sabi niya at tumingin pa kay Ella.




"Buti naman alam mo. Ang ganda ganda ng Siargao tapos nandito ka. Pangpangit ka ng buong resort. Bwiset!" Sabi ni Ella at inirapan si Luigi.




"Feeling mo naman ang ganda ng Siargao dahil nandito ka? Excuse me, Ms. De Jesus tingin tingin din sa paligid mas maraming maganda dyan." Sagot naman ni Luigi.



"Bro? May past ba kayo?" Tanong bigla ni Kiefer at napatigil naman kaming tatlo. Kinurot ko namn ang tagiliran niya at napantingin siya sa akin. "What? I'm just asking babe? Tignan mo kasi sila mukha silang matagal ng magkakilala oh." Sabi pa niya at gustong gusto ko na talaga sapakin si Kiefer.



"Nako! Alyssa pagsabihan mo yan ha." Sabi ni Ella at naglakad na paalis.




"Besh, order mo ko ng mango shake ha." I said.



Dreams Into Reality (COMPLETED)Where stories live. Discover now