"Lau? Saan ako uupo?" Tanong ni Kiefer dito.



"Tabi na lang kayo ni Von, Kief." Sabi ni Lau na nagpatuloy sa pagkukwento sa akin.




"Laura naman eh! Buti nga pinakilala ko pa si Alyssa sayo eh." Sabi ni Kiefer.



"Hay nako! Everyday na nga kayong magkasama eh! Nakakainis ka talaga Kief! Pasalamat ka kailangan ko ang yaman mo ngayon para dito." Sabi ni Lau at tumayo na bigla naman umupo si Kiefer sa tabi ko.


"Nako ate Lau ganyan yan si manong ayaw ipahiram sa amin ni Dani si ate Ly." Sabi ni Bea




"Dito ka na lang sa kabila ko." Sabi ko kay Laura.




"Kief? Kami kailan mo kami ipapakilala?" Tanong nung lalaking katabi ni Luigi.




"Basta ako kilala na ako ni Alyssa." Pagmamayabang ni Luigi.




"Hi, Alyssa! I'm Baser partner ko si Justine." Sabi niya sabay turo sa katabi niya.




"Kobe nga pala. Grabe! Hindi ko ineexpect na dito kita makikita. Akala namin hanggang magazines and billboards lang eh." Sabi nung matangkad na maputi.




"Ang kaibigan naman kasi natin masyadong possessive ayaw ipakilala si Alyssa sa atin baka daw kasi agawin niyo pa." Sabi ni Von na tumatawa na.





"Aha! Kaya pala kapag si Alyssa ang topic natin kung hindi ka wala sa mood minsan gustong gusto mo na kami sapakin." Sabi ni Baser at nagtawanan na sila.




"Tumigil na nga kayo! Lau hindi pa ba to magsisimula gustong gusto ko na umuwi." Sabi ni kiefer. Hinawakan ko naman ang kamay niya.




"Ikaw din tumigil ka may kasalanan ka pa sa akin. Baka gusto mong ibalik kita sa babaeng espasol na yon." Sabi ko sa kanya na nakangiti pa.




"Ang sweet mo talaga babe. Pakiss nga ako." Sabi niya na ilalapit na sana ang mukha sa akin pero nakalayo ako kaagad.




"Nako! Alyssa pasensya ka na sa mga yan ha. Talagang kapag nagkasama sila ganyan yan sila." Sabi Lau. "That's Kevin, Mike and Pao." Pakilala ni Laura sa iba pa.




"Okay lang naman." I said and smiled to the boys.



"Hello, Alyssa." Sabi nila na sabay sabay pa.




"Aly, or Ly na lang masyadong pormal at mahaba ang Alyssa eh." Sabi ko at napangiti si Laura.




"You're so mabait talaga! If you don't mind yung mga pictures na yun toto---." Hindi na natuloy ni Laura ang sasbihin.




"Lauuuuuuu!" Si Kiefer




"What? I'm just asking. Wag ka ngang magulo dyan Kief." Sagot nito at ngumiti naman ako.



"No, okay lang naman. Tapos na din naman yung issue kailangan natin mag move on." I said.



"So matagal na ba kayo?" Tanong ni Baser sa amin.



"Oo." Kiefer



"Hindi." Alyssa



Nagkatinginan kaming dalawa. Napatikhim naman si Von.




"Ah oo matagal na kami. Long distance kasi kami for almost 3 years." Sabi ko at nagseserve na nang pagkain.



"So bale, Paps wala pala talagang katotohanan yung sinasabi ni Tasha na engaged na daw kayo." Sabi ni Paolo dito.




Dreams Into Reality (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora