Accidental Kiss

1.3K 38 0
                                    

"Ouch!"nakangiwing bulalas ni Kei ng matapilok siya sa madulas na bato.

Sa inis kasi niya kay Einar ay nakalimutan niyang nasa madulas na parte pala ng batuhan siya dumaan, awtomatikong napaupo siya at mangiyak ngiyak na sinulyapan ang paa niya na mabilis na namaga.

Nagulat naman siya ng maramdaman niya ang mga kamay ni Einar sa kanyang paa, nang tingnan niya ito ay nakita niyang seryoso na ito, wala na ang nakakalokong mga ngiti nito, wala na rin ang indikasyon ng pang aasar sa binata.

Tila nananaig ang pag aalala nito sa kanya.

Hep, h'wag kang maniniwala sa mga nakikita at sasabihin niya Kei...

Wala sa bokubularyo nito ang salitang pag aalala lalo na pagdating sa kanya.

Wala itong alam gawin kundi asarin at pikunin siya, alam niyang parte na naman iyon ng pang aasar nito sa kanya.

Tinabig niya ang kamay nito sa paa niya.

"Stay away from me! Kung hindi dahil sa'yo hindi to' mangyayari." Galit na sabi niya, hindi naman ito nagsalita subalit naramdaman na naman niya ang mainit na kamay nito sa kanyang paa at masuyo iyong hinihimas.

"Stop it! Hindi ko kailangan ng tulong mo." mataray na sabi niya at muling binawi ang paa mula dito, nagpilit siyang makatayo, nagawa naman niya iyon subalit hirap na hirap naman siya, kumikirot din iyon sa tuwing ilalakad niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa likuran niya.

Ganon na lamang ang panggigilalas niya ng bigla na lamang siyang buhatin nito

"Hey, put me down!" aniya subalit nagmatigas ito,

Naglalakad na ito habang karga karga siya.

"Sinabi ng ibaba mo ako Einar! Hindi kita kailangan! Kaya kong maglakad mag isa." inis na sabi niya, pagpupumiglas niya.

"I'm sorry." He said,

Natigilan naman siya at tumingin sa binata, napansin naman niya na tila nahihirapan ito.

Saan naman siya nahihirapan?

Nabibigatan ba ito sa kanya?

O dahil nakukunsyensya lang siya.

Kasalanan naman niya!

Pero hindi na siya tumutol pa ng maramdaman niya ang sinseridad sa binata at ang paghingi nito ng tawad, tumahimik na siya habang nakatitig sa mukha nito.

He looks so sad and she don't know why.

Nang makauwi sila sa mansiyon ay kaagad siyang inasikaso ng binata, ito pa mismo ang nagbenda ng paa niyang na sprain.

"Are you okay hija?" tanong ni doña Nat,

Kalalabas lang ni Einar sa kanyang silid, tumango siya

"I'm okay granny, hindi naman ito malala." Aniya

"Oh siya magpahinga ka na lang muna, mamaya ipapagising kita para sa hapunan." Anito,

Nakangiting tumango siya.

Nang lumabas ang matanda ay nahiga siya sa kama at dahil sa pagod ay nakatulog siya kaagad.

-----

"Oppa!" narinig niyang tawag ni Eiren ng pumasok ito ng mansiyon

Nasa komedor si Einar habang inihahanda ang pagkain na dadalhin niya para kay Kei dahil alam niyang pagod ito ay hindi niya ito ginising kanina para sa hapunan.

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu