Dilemma

1.2K 33 0
                                    

"Einar! Where is my sister?" nagulat si Einar ng marinig niya ang boses na iyon mula sa likuran niya.

Nasa music room siya habang nilalapatan ng musika ang ginawa niyang kanta.

Kahit na isang kamay lang ang naigagalaw niya ay hindi naman iyon hadlang para makagawa siya ng musika.

Binitawan niya ang drumstick at tumayo.

Nakita niya mula sa pintuan sina Kaizer at Sky, may nakapagkit na ngiti sa mga labi ng huli samantalang seryosong naman ang una.

Hindi naman siya nagtaka sa reaksyon na iyon ni Kaizer.

"Ouch!" bulalas niya ng hilahin siya nito at sakalin

"Damn you! You kidnapped my sister! I'll wring your neck!" Kaizer said, nagpapasalamat siya dahil naroon si Sky kung hindi baka namatay na nga siya sa sakal. Hindi pa naman siya makakilos ng maayos dahil sa namamagang braso niya.

"Hey, let me explain first." Reklamo niya sa kaibigan.

Pigil pigil ito ni Sky kaya nakalayo pa siya sa binata.

"Okay, I'll give you thirty seconds to exlplain." Ala Hitler na sabi nito,

Napalunok naman siya ng sunod sunod.

"Grabe naman." reklamo niya

"One, two." Pagbibilang nito

"Oh shit!" bulalas niya,

Mukhang hindi nagbibiro ang kaibigan niya, wala na siyang nagawa kundi magpaliwanag dito.

"Hindi ko siya kinidnap, I swear dude." Aniya na itinaas ang kaliwang kamay na tila nanunumpa,

Hindi naman niya maitaas ang kanang kamay dahil kapag ginawa niya iyon ay kumikirot ang sugat niya na tumama sa sapatos ni night.

Tahimik namang pinag aaralan ni Kaizer ang mga sinabi niya.

"Ano nga palang nangyari sa'yo?" tanong naman ni Sky habang nakatingin sa braso niya.

"Accident." kaswal na sabi niya

Naagaw ang atensyon nila ng may sunod sunod na kumatok sa pinto, maya maya ay bumukas iyon, mula sa pintuan ay bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki.

Magpasalamat ito at injury siya dahil kung hindi ay kanina pa niya ito nasuntok sa mukha.

Nakuha pa nitong magpakita sa kanila.

"Where is Kei?" seryosong tanong nito

Nakuyom niya ang palad.

"Bakit mo pa siya hinahanap? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?" tiim bagang untag niya kay Liam.

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo, nasaan si Keitlene?" anito.

Magsasalita pa sana siya ng may magsalita sa labas ng pintuan.

"Liam?"

Tawag ni Kei sa dating kasintahan, mabilis naman siyang nilapitan ng dating kasintahan.

Napansin niya ang malaking pagbabago sa katawan nito, humumpak ang pisngi nito at napakalaki ng ipinayat nito.

"What are you doing here." her face was expressionless.

Naroon ang pait sa tinig niya.

"Let me explain first please"

"Ano pa ba ang kailangan mong ipaliwanag? Maliwanag na sa'kin na iniwanan mo ako at ipinagpalit sa ibang babae." May hinanakit sa tinig niya

"That was all wrong, wala akong kinalaman sa lahat ng nangyari, I was kidnapped for almost a week para hindi lang matuloy ang kasal natin." Anito,

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now