It's Him, My Knight Prince

2.4K 75 6
                                    

"Where are you going? Aalis ka pero hindi mo alam kung nasaan siya?" anito

"Kaizer?"

"Let's go! Pigilan mo si Einar on the way na siya sa airport ngayon." anito

"I think kailangan ninyo ako dyan." Wika ng lalaki sa likuran nila.

Nakita niya ang driver niya at doon lang niya napansin na si Sky pala ang naghatid sa kanya roon.

Kahit na nahihiwagaan sa mga nangyayari ay nagpatangay siya sa mga ito.

Ngayon ay lulan na siya ng bridal car.

Napahawak sa headrest ng upuan si Kei ng halos lumipad ang bridal car na gamit nila, hindi naman siya nagreklamo dahil gusto rin niyang maabutan nila si Einar.

Nagpapasalamat siya dahil hindi matrapik papuntang airport ng araw na iyon kaya naman mula sa unahang bahagi nila ay kaagad na napansin na niya ang pamilyar na sasakyan ni Einar at sa isang iglap nga ay naunahan nila ang sasakyan nito. Hindi pa nagkasya si Sky dahil iniharang nito ang sasakyan na gamit nila upang patigilin ang sasakyan ng binata, nagtagumpay naman sila dahil bigla ang pagpreno ng itim na Porsche na gamit nito.

Mula sa loob ng sasakyan, nakita niya ang iritadong mukha ni Einar.

"What's your problem?" inis na sabi nito palibhasa ay tinted ang salamin ng bridal car na gamit nila kaya hindi sila nito nakita.

Hindi na siya nag aksaya ng oras, nang makita niyang naglalakad palapit si Einar sa kanila ay bumaba siya ng sasakyan.

Ganon na lamang ang panggigilalas nito ng makita siyang umiiyak habang papalapit din dito.

"Kei? What are you doing here? bakit ka umiiyak?" tanong nito,

Bigla ay nagtiim ang mga bagang nito.

"That bastard pinaiyak ka na naman niya" saad nito,

Umiiyak na umiling siya.

Ngayon ramdam na ramdam niya ang pag aalala nito sa kanya, ang pagmamahal nito.

"Hindi natuloy ang kasal ko." Umiiyak pa ring sabi niya,

Nakuyom nito ang mga palad.

"Damn! Bakit hindi natuloy ang kasal ninyo?"

"Paano matutuloy ang kasal kung narito ang groom ko?" sagot niya,

His state of shock was too obvious, natigilan ito at tila nawalan ng boses kaya naman nagpatuloy siya.

"Hindi ko kayang magpakasal kay Liam." Aniya

"What do you mean?"

"Dahil mas hindi ko kayang magpakasal ka kay Sofie."

"Hindi ako magpapakasal kay Sofie, how did you get that idea?"

"I heard it from the host men, narinig ko sila kanina sa simbahan na papunta kang Korea para ayusin ang kasal ninyo ni Sofie."

"No that was wrong, ihahatid ko lang sa airport sina mommy at Sofie." Anito na tinuro ang sasakyan,

Doon lang niya nakita ang dalawang babaeng nakatayo na sa tapat ng sasakyan at nakikinig sa kanila.

"Pero ina-announce last week ang engagement ninyo?" takang tanong niya

"Walang announcement na nangyari noon." sagot nito,

Tumalikod ito sa kanya na ipinagtaka niya.

"Bumalik ka na sa simbahan, naghihintay na si Liam." Anito,

FLOWER PRINCE TRILOGY 3: Einar, My Knight PrinceWhere stories live. Discover now